• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 28, 2024

Takot ka ba sa dilim? 🫣

Publication date Dis 28, 2024

Kaibigan, takot ka ba sa dilim? Noong bata ako (Yen), mabilis akong matakot. Ayokong mag-isa sa madilim na lugar, kaya lagi akong may kasamang matulog. Noong nakilala ko si Jesus, natulungan ako na malampasan ang hindi makatwirang takot na ito, dahil alam kong lagi akong may kasama. 

Pero ang dilim ay hindi lang isang madilim na lugar. Ginagamit din natin ang salitang “dilim” sa pagsasalarawan ng mga mahihirap na pinagdadaanan, tulad ng kapag may problema, o sa mga panahong nawawalan tayo ng pag-asa. 

Bakit natin pinag-uusapan ito ngayong panahon ng Pasko? Napaisip ako tungkol sa dilim dahil may isa pang paglalarawan tungkol kay Jesus. Makikita natin ito sa kwento kung saan inialay ni Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa templo. Sa mga Judeo, iniaalay nila ang unang sanggol na lalake sa templo. Habang nandoon sila, may isang taong sumalubong sa kanila, si Simon. 

Si Simon ay isang matuwid na tao na ang sabi sa Bibliya ay, “sumasakanya ang Banal na Espiritu.” Isa siya sa mga taong naghihintay sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel. Noong araw na iyon, nang makita niya si Jesus, ito ang sinabi niya: 

“Panginoon, maaari nʼyo na akong kunin na inyong lingkod, dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin. Mamamatay na ako nang mapayapa, dahil nakita na ng sarili kong mga mata ang Tagapagligtas, na inihanda ninyo para sa lahat ng tao. Siya ang magbibigay-liwanag sa isipan ng mga hindi Judio na hindi nakakakilala sa iyo, at magbibigay-karangalan sa inyong bayang Israel.” (Lucas 2:29-32 ASND

Nakikita mo ba, Kaibigan? Si Jesus ang magbibigay-liwanag sa isipan ng mga hindi nakakakilala sa Kanya. Ang galing, ano? Marami palang magagandang regalo na kasama sa pagbibigay ng Panginoon ng Anak Niyang si Jesus! Kung kailangan mo ng liwanag, maaari mo itong hingin sa Kanya. 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.