Sino ka ba? π

Sino ka? Kapag narinig mo ang tanong na ito, ano ba ang unang bagay na sinasabi mo? Halimbawa, isipin mong nasa isang pagtitipon ka at nagpapakilala sa mga taong ngayon mo lang nakasalamuha. Pagkatapos mong sabihin ang pangalan mo, ano ba ang sunod na sinasabi mo? Ito ba, “Kumusta, ako si Kaibigan, Nagtatrabaho ako sa _______?” Kung hindi mo man agad sinasabi ang trabaho mo, hindi ba kadalasan ito ang unang tinatanong natin sa isa’t-isa, “Saan ka ba nagtatrabaho?”
Malamang naging nakagawian nating iugnay ang ating pagkakakilanlan sa ating mga propesyon o kurso sa kolehiyo (na pinili natin papunta sa isang tiyak na propesyon). Baka dahil dito kaya ang pagpapahalaga natin sa sarili ay nakatali din sa mga bagay tulad ng kinikita natin, posisyon, at katayuan.
Pero alam mo ba na hindi ito ang tinitingnan ng Diyos? Nakasulat sa 1 Samuel 16:7 (ASND):
Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoΚΌy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koΚΌy ang puso.”
Kaibigan, nakikita mo ba? Ang Panginoon ay nakatingin sa puso natin, hindi sa ating panlabas na kaanyuan; hindi sa ating propesyon o kahit anumang panlabas.
At alam mo ba, si Jesus mismo, alam na alam ang Kanyang pagkakakilanlan.. Alam Niyang Diyos Siya. Hindi madadala ang Kanyang pagkakakilanlan ng kung ano ang mga nagagawa Niya. Ang pagsubok lang, may mga taong nahihirapan maniwala sa sinasabi Niya. Panoorin natin ang video sa The Chosen, S3 - E3: Manggagamot, Pagalingin ang Iyong Sarili mula 27:27 - 38:25.
Ikaw ba, Kaibigan, sino ba si Jesus sa iyo? Naniniwala kami na makakaapekto ito sa pagtingin mo sa sarili mo.
Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala!

