• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 27, 2024

Sino ba ang batang 👶 ito?

Publication date Dis 27, 2024

Kailan ka ba huling nakahawak ng sanggol? May kapatid ka ba o pamangkin na inalagaan? Ang cute-cute nila, di ba? At napakawalang kakayahan din; kailangan nila ang kanilang mga magulang sa lahat ng kanilang mga pangangailangan, kapag nagugutom, kailangang palitan ng lampin, kapag nainitan o giniginaw. 

Ngayong panahon ng Pasko, ang lahat ay kumakanta tungkol sa sanggol na ipinanganak sa Betlehem. Oo, alam nating Jesus ang pangalan Niya. At dahil isinilang Siya bilang tao, pareho lang din siya sa iba’t-ibang sanggol na nakikita mo; walang magawa, at posibleng cute din! Pero ano ba ang alam mo tungkol sa Kanya?

Kaibigan, kahit na mukhang ordinaryong sanggol si Jesus noong ipinanganak, hindi ordinaryo ang nakatakdang tadhana Nya. Alam mo ba, may mga sinabi na sa Bibliya tungkol sa kanya, ilang daang taon na ang nakalipas? Halimbawa, ito ang nakasulat sa Isaias: 

Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.” Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoong Makapangyarihan na matutupad ito. (Isaiah 9:6-7 ASND)

Wow. Ito pala ang kapalaran ni Jesus, na isang walang kamuwang-muwang na sanggol noong unang Pasko. 

Ano ba ang nakikita mo dito na pwedeng makatulong sa iyo? Kailangan mo ba ng Tagapayo? Pwede si Jesus tumulong! Kailangan mo ba ng kapayapaan? Siya ang Prinsipe ng Kapayapaan!  

Kaibigan, kung may kailangan ka ngayon sa mga ganitong bagay, pwede mo itong dasalin: “Jesus, gusto kitang makilala bilang Kahanga-hangang Tagapayo. Turuan mo akong humingi ng payo sa Iyo. At kailangan ko din ng kapayapaan sa puso ko. Gusto kitang makilala bilang Prinsipe ng Kapayapaan. Sa ngalan ni Jesus, amen.” 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.