Sikreto ng kaligayahan: gusto mo bang malaman?🤐

Kaibigan, alam mo ba na gusto pala ng Panginoon na maging maligaya at masagana ang buhay mo? Minsan, akala natin, tayo lang ang may gustong maging maligaya. Kapag binasa natin ang Bibliya, marami tayong makikitang bersikulo na nagpapahayag ng hangarin ng Diyos na mamuhay tayo ng masagana, tulad ng bersikulo na ito:
Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at mangwasak. Ngunit dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap. (Juan 10:10 ASND)
Ngunit, sinasabi din sa Bibliya na ang pag-iisip ng Panginoon ay nakapataas sa ating kumpara sa pag-iisip, at ang pamamaraan Niya ay kakaiba din sa pamamaraan natin (Isaias 55:8-10). Bakit namin sinasabi ito? Dahil may sinasabi din sa Bibliya kung paano maging maligaya at masagana ang ating buhay. Tingnan natin ito:
Sapagkat sinasabi sa Kasulatan , “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan. (1 Pedro 3:10 ASND)
Naku, nakikita mo ba, Kaibigan? Parang ang simpleng pakinggan ano? Pero alam nating hindi madaling tanggalin ang lahat ng masama at kasinungalingan sa ating mga salita. At alam mo ba, ang kasinungalingan ay hindi lang iyong mga hayagan: kasinungalingan din pala ang mag-akala ng masama tungkol sa iba nang walang patunay.
Kaibigan, tingnan mo ngayon kung mayroong kasinungalingan kang pinaniniwalaan tungkol sa iba. Kung hindi ka sigurado, maaari mo itong linawin sa kanya. Halimbawa, baka may kaibigan kang iniisip mo ay galit sa iyo. Sa totoo lang, baka nasa isip mo lang ito; pero kung makakapunta ka sa kanya, pwede mong tanungin kung totoo ito o hindi. Sa paraang iyan, hindi ka magpapaikot-ikot sa kasinungalingan sa isip mo.
Kaibigan, mahal ka Niya at isa kang himala!

