• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 8, 2025

Relasyon sa pamilya: matibay ba kayo? 🥳

Publication date Peb 8, 2025

Kaibigan, kumusta ba ang relasyon mo sa malapit na pamilya mo? Kung wala ka pang asawa, kumusta kayo ng mga magulang mo? Kung kasal ka na, kumusta kayo ng asawa mo at mga anak mo? 

Alam mo bang importante sa Panginoon ang pamilya? Sa umpisa ng lahat-lahat, nilikha Niya sa Adan at binigyan Sya ng asawang pinangalanang Eva. Ang unang mag-asawa na ito ay nanganak ng dalawang lalaki, si Cain at Abel. Ang malungkot lang, nagalit si Cain at nagawang patayin ang kapatid niya. Isang halimbawa ito ng napakalungkot na maaaring mangyari sa isang pamilya. 

Pero iba ang puso ng Panginoon. Ang nais Niya ay ang matuto tayong makipagsundo at magmahalan, umpisa sa ating mga pamilya, at pati na sa ibang tao. 

Hindi ito madali. Karamihan sa atin ay may mga hinanakita sa ating mga magulang, at kung tayo man ang magulang, hindi lahat ng oras ay magkakasundo tayo ng ating mga anak. Pero may mabuting balita ako sa iyo, Kaibigan: hindi imposible ang magkaroon ng matibay na relasyon sa ating pamilya. Habang mas nakikilala natin ang Panginoon at ang sarili natin, lalaki din ang ating pananaw tungkol sa trabaho Niya sa ibang tao. Makakatulong ito sa atin sa pag-intindi at pagmamahal sa iba. 

Ito pa ang Kanyang pangako sa Bibliya: 

Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan. (Malakias 4:6 ASND

Wow. Importante pala kay Lord na magkaroon ng magandang relasyon ang mga magulang at mga anak. Ngayong araw, Kaibigan, kumuha ng papel at isulat ang pangalan ng mga miyembro ng iyong pamilya. Sa tabi ng kanilang pangalan, magsulat ng isang bagay na  pinapahalagahan mo sa kanila.Ipagdasal mo ito, “Panginoon, salamat kay _____ sa kanyang _______. Sana pagpalain mo siya ng ______ (halimbawa, karunungan, kapayapaan).”  

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.