• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 20, 2024

Pwede bang ipagdiwang ang mga pagsubok?🎊

Publication date Dis 20, 2024

Marami ka na bang pupuntahang mga pagtitipon at selebrasyon ngayong linggo para sa Pasko? Masayang magdiwang, hindi ba? Baka namimili ka na ng mga pang-regalo sa mga anak, pamangkin, at mga inaanak. O naghahanda ka na ng mga matamis na ipapakain sa pamilya sa bisperas o araw ng Pasko. Ano ba ang paboritong aspeto mo ng pagdiriwang Pasko? 

Pero paano kung hindi lahat ay maganda sa buhay mo sa panahong ito? Paano kung may mga pagsubok kang pinagdadaanan? Makakapagdiwang ka pa ba ng maayos? Ang hirap pag ganoon, di ba? 

May isang taon na medyo nahirapan kaming mag-asawa na maging maligaya sa panahon ng Pasko. Iyon ang taon kung saan may pinagdadaanan kami sa aming komunikasyon at koneksyon bilang mag-asawa. Nagdiwang pa rin kami at ipinagpatuloy ang mga tradisyon ng pamilya, pero naglaan talaga kami ng oras na mag-usap at magproseso. At hindi lahat ng pag-uusap na ito ay komportable. 

Kung titingnan ang nakaraan, mahirap ang panahong iyon. Pero masaya kami na nalampasan namin ito at mas naging matibay pa ang aming relasyon. 

Kaibigan, alam mo bang normal lang sa buhay ang dumaan sa pagsubok? Hindi lahat ng mangyayari sa atin ay maganda; minsan may konting hirap; minsan may malaking problema. Pero alam mo ba kung ano ang nakasulat sa Bibliya tungkol sa pagsubok? 

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya. (Santiago 1:12 ASND

Nakikita mo ba, Kaibigan? Maaari tayong maghintay sa gantimpala kapag nanatili tayong matatag sa kabila ng mga pagsubok. Syempre, hindi ito madali, kaya huwag mag-atubiling tumawag sa Kanya at humingi ng tulong. 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.