Pwede ba tayong mag-usap ng tungkol sa pakikipag-kaibigan?🙋

Pag-usapan natin ang tungkol sa pakikipag-kaibigan. Sino ba ang matalik mong kaibigan? Ano ba ang mga nagustuhan mo sa kaibigan mong ito? Ano ba ang personalidad nya, o karakter nya? Magkapareho ba kayo ng hilig? Ano ba ang mga madalas nyong ginagawa?
May iba’t-ibang dahilan kung bakit tayo nakikipag-kaibigan sa ilang tao at hindi sa iba.Madalas, may mga magkaparehong prinsipyo tayo sa ating mga kaibigan. Pinipili din natin ang mga taong mapagkakatiwalaan. At madalas, hindi biglaan ang pagbuo ng pakikipagkaibigan, di ba? Nagsisimula ito sa paggugol ng oras natin sa isa’t-isa, sa pagkilala ng mga kalakasan at kahinaan natin, at pagtanggap ng mga ito.
Alam mo bang pwede pala tayong maging kaibigan ng Diyos? Sa Bibliya, tinawag ng Diyos si Abraham na “kaibigan ng Diyos” (James 2:23 ASND). Si Moses, na siyang ginamit ng Diyos para palayain ang mga Israelita galing sa Egypt, naisalarawan din sa Bibliya na:
Kapag nakikipag-usap ang PANGINOON kay Moises, magkaharap sila, katulad ng magkaibigan na nagkukwentuhan. (Exodus 33:11 ASND).
Ikaw ba, Kaibigan, gusto mo din bang maging kaibigan ng Diyos? Pwede pala, kahit na banal Sya at tayo hindi. Nakasulat sa Bibliya na tinanggal na Nya ang haliging pumipigl sa ating lumapit sa Kanya noong namatay Sya sa krus. Magandang balita yan! Ibig sabihin nyan, hangga’t tinatanggap natin ang Kanyang gawa sa krus, pwede na tayong lumapit sa Kanya, kahit anong oras, kahit saan.
Kaibigan, ito ang tanong namin sa’yo ngayon: sa paanong paraan ba nabubuo ang pakikipagkaibigan? Kung sinabi mong oras, tama ka! Kaya ngayon, mag-isip ka ng oras kung kailan ka pwedeng makipag-usap kay Jesus sa araw- araw. Mas gusto mo bang makipag-usap sa Kanya paggising sa umaga? May ibang mas may oras sa gabi, bago matulog. Alinman, gawin mo ito araw-araw, kahit sampung minuto lang muna.
Kaibigan, isa kang himala!

