• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 1, 2025

Patibong ng Pagkukumpara: Nasa Iyo Ba Ito? 🤔

Publication date Peb 1, 2025

Minsan, nahihirapan ka ba sa buhay mo, lalo na kapag kinukumpara mo ang sarili mo sa ibang tao? Baka ang isang kaibigan mo may propesyon na pangarap mo, o kaya may kakilala kang babae na may pigura o buhok o estilo na gusto mo ring makuha.

Alam mo ba kung ano ang pananaw ng Diyos tungkol sa mga ganitong pagkukumpara? Sabi ng mga eksperto sa sikolohiya, hindi daw maganda magkumpara ng sarili sa iba dahil kahit anong mangyari, may makikita kang mas magaling sa'yo, kaya makakaramdam ka ng pagkaawa sa sarili, pero makakakita ka rin ng mas mababa sa'yo, kaya magkakaroon ka ng pride.

Pero ang sagot ng Diyos hindi lang basta isang teorya na “ganito ang mararamdaman mo kapag nagkumpara ka," kundi isang matinding katotohanan: ikaw ay isang yaman na walang kapantay, at para sa'yo, binigay Niya ang Kanyang buhay. Isa kang mahalagang perlas sa Kanya, at ang halaga mo ay higit pa sa mga rubi (Proverbs 31:10).

Hindi mo na kailangang magkumpara pa sa iba, kasi hindi ang pagganap mo sa harap ng iba ang magtutukoy ng halaga mo, kundi ang Diyos na hari ng uniberso. Alam mo ba na kahit ikaw lang ang natitirang tao sa mundo, pupunta pa rin Siya para mamatay para sa'yo? Oo, para sa’yo—ikaw, kung ano ka man ngayon, hindi yung ideyal na bersyon mo ng sarili mo.

Kaibigan, sabihin mo ito ng malakas: “Ang Diyos na lumikha ng langit at lupa at lahat ng nandito sa mundo, ibinuhos ang Kanyang buhay sa pag-ibig para sa akin.” At masaya Siya sa Kanyang desisyon. 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.