Pakiramdam mo ba, malayo ang Diyos? ☁️☁️☁️

Alam mo bang may aklat ang Panginoon na nagsusulat ng bawat araw ng buhay natin? Kadalasan, naiisip natin para Siyang isang malayong manunulat, na tinitingnan tayo mula sa taas, pinapanood habang gumagawa ng lahat. Di ba may awit pa nga, “From a distance, God is watching us.”?
Pero alam mo ba ang nakasulat sa Bibliya? Basahin natin ito:
Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. (Salmo 139:15-16 ASND)
Kaibigan, pati mga buto natin ay kitang-kita na ni Lord noong hinuhugis pa lang tayo. Nagpapakita ito na hindi lang si Lord nakatingin sa malayo, kundi napakalapit Niya sa atin. Ang pagtakda Niya at pagsulat ng araw-araw ng buhay natin ay nagpapakita kung gaano Siyang kasali sa buhay natin.
Isipin mo na lang yung larawan ng isang nanay na may maliit na anak. Ayon sa pagsasaliksik, yung mga taon kung saan pinakamabilis matuto ang bata ng pisikal na kasanayan at mga bagay na nakikita o naririnig niya, yan ang pinaka- kritikal na panahon para sa bata. Siyempre, gusto ng nanay na makuha ng anak niya yung pinakamahusay na paghihikayat —mga laruan, videos, o kahit ano pa—para matulungan siyang lumaki at maging matagumpay sa buhay.
Mas higit pa sa gusto ng isang nanay, mas gusto ng Diyos na punuin tayo ng Kanyang pagmamahal araw-araw!
Ano ibig sabihin nito, Kaibigan? Gusto ng Panginoon na ibuhos ang Kanyang pagmamahal sa bawat araw ng buhay mo, sa bawat pagkakataon!
Kaya’t asahan mong makikita mo ang kamay Niya sa lahat ng bagay na nangyayari sa araw-araw ng buhay mo! Kaibigan, isa kang himala!

