• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 10, 2025

Pakiramdam mo ba, bigo ang Panginoon sa iyo?😔

Publication date Ene 10, 2025

Minsan ba naiisip mo na baka hindi nangyayari ang inaasahan ng Panginoon sa Kanyang mga nilikha, ang tinutukoy, sa buhay mo? Naiisip mo bang baka nagsisisi Siyang naging anak ka Nya at naging parte ng Kaharian Niya dahil palagi kang nagkakamali, at wala na Siyang magawa kundi tanggapin ka na lang?

Pero alam mo ba kung sino ang lumikha sa iyo at sino ang nagligtas sa iyo? Ang gumawa ng mga ito ay iisa—ang Diyos na makapangyarihan at nakakaalam ng lahat, na nagmamahal sa iyo higit pa sa kahit ano. At ang Kanyang pagmamahal ay hindi bulag! Alam Niya exactly kung ano ang papasukin Niya nang nilikha ka Niya, at alam Niya kung ano ang Kanyang binili nang bayaran Niya ang halaga para sa iyo.

At alam mo ba ang Kanyang konklusyon araw-araw habang nakikipag-usap ka sa Kanya sa lahat ng iyong mga pagsubok? Ikaw ang eksaktong nais at hiningi Niya!

Basahin natin ito:

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. (Salmo 139:13-15 ASND

Kaibigan, anumang oras na maramdaman mong hindi ka ginugusto, isipin mo ang krus at makita mo si Jesus na nagsasabi sa iyo, "Ginawa Ko ito para sa iyo. Ang nararamdaman Ko para sa iyo noong naging Akin ka ay pareho ng pagmamahal na nararamdaman Ko para sa iyo ngayon, at hindi ito magbabago!"

Magsaya ka, Kaibigan, masaya Siya sa iyo at isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.