Pag-usapan natin ang tungkol sa takot

Malalim pala ang isyu ng takot. Alam mo ba na hindi lang siya panlabas na takot sa isang bagay? Halimbawa, may mga taong takot sa ahas, o sa aso. Ang mga bata madalas takot sa dilim. Pero kapag pinag-uusapan ang mga emosyonal na takot natin, hindi pala siya ganun ka-simple.
Ang takot, tulad ng takot sa kakulangan, sa hinaharap, or takot sa kabiguan, ay nagsimula pala sa kaisipan na walang may gusto sa iyo. Para ka lang isang mukha sa paligid, na kailangang mabuhay ng mag-isa. Sa ibang salita, konektado siya sa pakiramdam ng pagiging ampon, na walang magulang na nag-aalaga.
Nakikita ko ito sa personal kong buhay sa mga panahong ang pakiramdam ko’y walang nag-aalaga sa akin, mas matindi ang pagiging matatakutin ko na kukulangin ang pondo namin para sa buwan na ‘yon, o na parang wala ng pagkakataon na malampasan ang mga pagsubok sa buhay.
Kung ito ang pakiramdam mo ngayon, Kaibigan, mayroon akong mabuting balita sa iyo! Sa Bibliya, sa sulat ni Paul sa mga Romans, sinabi ito:
Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!” (Roma 8:15 MBB05)
Sa Ingles, sinasabing “spirit of adoption” ang nangyari dito. Sa pag-aampon pala, lahat ng benepisyo ng tunay na anak ay ibinibigay din sa ampong bata. At sa pamamagitan ni Jesus, inampon pala tayo sa pamilya ng Panginoon! Ibig sabihin hindi ka na ulila, sa halip, ikaw ay isang anak,na ibig sabihin ikaw ay tanggap sa pamilya ng Diyos at lahat ng pangangailangan mo, Sya ang bahala.
Kaya Kaibigan, huwag ka nang matakot. Gusto ka Nyang maging parte ng pamilya Nya. Isa kang himala!

