• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 5, 2024

Pag-usapan natin ang kalungkutan

Publication date Nob 5, 2024

Kalungkutan. Nakakaranas ka din ba ng kalungkutan, na parang walang nakakakilala sa iyo ng malalim? Hindi siguro nakapagtataka na lahat tayo ay nananabik sa isang malapit at tunay na kaibigan, pero hindi ito basta-basta nangyayari.

Nakaranas  din ng ganito si David, ang batang pastol na naging hari. Sya ang bunso sa pamilya nila. Mababasa natin sa kwento nya sa Bibliya na hindi siya ganoon kalapit sa mga kapatid nya. Minsan nga may dumating na isang importanteng bisita sa bahay nila, muntik na siyang makalimutan imbitahin, dahil nandoon siya sa bukid, nagbabantay sa mga tupa! 

Pero si David din ang nagsulat ng napakaraming awit tungkol kay God, at ito ang isa sa mga natuklasan nya tungkol sa Diyos: 

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo.    Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho.    Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. (Salmo 139:1-3 Ang Salita ng Dios

Narinig mo ba yan, Kaibigan? Siniyasat ka nya at kilalang-kilala. Alam nya kung nakaupo ka o nakatayo. Kahit saan ka man naroroon, alam Nya ang lahat mong iniisip. Nakakahikayat, di ba? Ibig sabihin na kahit anong gumugulo sa isip natin, alam ng Panginoon. Kaya pwedeng-pwede natin Syang kausapin kahit kailan! 

Ngayon, subukan natin itong dasalin, “Panginoon, salamat na kilalang-kilala Nyo ako. Alam Nyo ang lahat ng nangyayari sa buhay ko, and alam Nyo din ang lahat ng nasa isipan ko. Binibigay ko po sa Inyo ang lahat ng paghihirap  ko. Sa ngalan ni Jesus, Amen.” 

Sige, sana maging regular na gawain natin ang makipag-usap kay Lord. Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.