• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 1, 2025

Pag-usapan natin ang ating pisikal na kalusugan.🏋️

Publication date Ene 1, 2025

Maligayang Bagong Taon! Ngayong 2025, ipagpapatuloy natin ang ating mga serye, ‘Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.’ Anu-ano ba ang mga handa ninyo sa bisperas ng bagong taon? Marami bang minatamis? May spaghetti ba, salad, lechon? Dito sa atin, malaking handaan ang Pasko at Bagong Taon, kaya marami sa atin ang tumataba—o nagkakasakit sa sobrang pagod—sa mga pagdiriwang na ito. 

Hindi naman natin hangarin ang pumayat o magmukhang seksi. Pero minsan, pumupunta tayo sa ibang sukdulan na akala natin, ang alalahanin lang ng Panginoon ay ang kaluluwa natin. Napapabayaan ang tulog, ang wastong pagkain, at ang pag-eehersisyo. Pero alam mo bang mahalaga din pala sa Panginoon ang pisikal na kalusugan natin? Ito pala ang nakasulat sa Bibliya: 

…idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan. (3 Juan 1:2 RTPV05

Nakikita mo ba, Kaibigan? Gusto pala ng Panginoon na maging malusog ang ating katawan, habang napapabuti din ang kalagayan ng ating buhay espiritwal. At, nasabi din sa Bibliya na ang katawan natin ay templo pala ng Espiritu Santo. (1 Corinthians 6:19).

Dahil dito, makikita natin na okey na okey pala ang mag-isip ng mga mithiin para sa kalusugang pangkatawan natin. 

Ikaw, Kaibigan, may maiisip ka bang hangarin para sa pisikal na kalusugan mo sa taong ito? Baka gusto mong magsimula nang mag-ehersisyo, o kumain ng tama. Isulat mo ito sa notebook o i-record sa iyong telepono. Pwede mo ring ibahag ito sa amin sa pamamagitan ng e-mail. Tutulungan ka ni Lord maabot ang mga ito!

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.