• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 5, 2025

Pagmamahal sa sarili: kumusta ka?馃

Publication date Peb 5, 2025

Kaibigan, maging totoo tayo. Kung tatanungin kita, ano ba ang mga bagay na gusto mo sa sarili mo, ilang mga bagay ba ang mabibigay mo? Eh kung tanungin naman ano ang mga ayaw mo sa sarili mo? Alin ba ang mas madami? 

Karamihan sa atin, sobrang pamilyar sa ideya na kailangan natin mahalin ang Diyos at ang ibang tao.Pero kadalasan, nakakalimutan nating ang nakasulat pala sa unang utos sa Bibliya ay, “mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Basahin natin ang bersikulo: 

At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ (Mateo 22:39 ASND

So ang hamon namin ngayon ay, paano natin mamahalin ang ating sarili? Para sa amin, naging mahirap itong gawin dahil marami kaming nakikitang mali sa sarili namin. Halimbawa, pareho kaming madaling uminit ang ulo, at mabilis na naapektuhan ang emosyon. Dati, nahahatulan kami kapag may nagawa, at ang nangyayari ay isisisi ang lahat sa aming sarili. 

Sa buong relasyon namin sa Diyos,, tinuruan Niya kaming alamin kung anu-ano ang mga inilagay Niya sa amin, at natutunan naming pahalagahan ito. Laking tulong ang nakasulat sa Psalm 139. 

Kaya ang hamon namin sa iyo ngayon, Kaibigan, basahin ito ng malakas, kopyahin sa isang notebook, at isulat ang mga kaisipan na dinadala ni Lord sa isipan mo habang iniisip itong passage: 

Kilala n始yo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin.Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha n始yo sa akin.Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.Nakita n始yo ang aking mga buto nang ako始y lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.Nakita n始yo na ako, hindi pa man ako isinisilang.

(Salmo 139:13-16). 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.