Pag-ibig ng Diyos: ramdam mo ba?🥰

Dahil Pebrero ngayon, ang serye natin ngayong Linggo ay “Pagmamahal,” kung saan ang paksa natin ngayong araw ay ang pagmamahal ng Diyos.
Malamang, alam mo nang ang Panginoon ay may perpektong pagmamahal para sa atin (1 John 4:18). Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito para sa atin ngayon?
Ang salitang "perpekto" ay nangangahulugang kumpleto—ibig sabihin, walang kulang, walang mali, walang nawawala. Paano kaya ito mangyayari? Minsan, tinitingnan natin ang pag-ibig mula sa perspektibo ng mga tao na may pagkakamali, at ang negatibo sa atin ay nagsasabi, "Walang ganung klaseng pag-ibig!”
Pero ang pag-ibig na ito ay nanggagaling mismo kay God, ibig sabihin, ang pinagmumulan nito ay banal—hindi ito maaapektuhan ng anumang bagay na nilikha! Wala kang kayang gawin na magpapalakas pa ng pagmamahal Niya sa'yo kaysa sa pagmamahal Niya sa ngayon, at wala kang kayang gawin o hindi gawin na makakabawas sa pag-ibig na ‘yon!
Isa pang ibig sabihin ng “perpekto” ay wala nang paraan para ito’y mapabuti pa.Dahil Siya ang Perpektong Pag-ibig—wala nang puwang para sa paghahambing o pagraranggo. Kaya pala bawat isa sa atin pwedeng magsabi, "Ako ang paborito Mo, Lord!”
Sabihin mo ito ng malakas, Kaibigan, “Ako ang paborito mo, Panginoon!”
At alam mo, ito rin ang parehong pag-ibig na inilagay Niya sa'yo nung ikaw ay ipinanganak muli! Walang ganung bagay na nagsasabing “Ang Diyos ang una sa buhay ko”—Siya na mismo ang Buhay Mo! (John 14:6)
Ang bagong puso na ibinigay Niya sa’yo ay sumisigaw para sa Kanya, dahil ang perpektong pag-ibig Niya sa'yo ay siya ring pag-ibig na nasa’yo at bumabalik sa Kanya. Hindi ba't perpekto 'yan?
Kaibigan, isa kang himala!

