• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 3, 2024

Paano kung walang tutulong?

Publication date Nob 3, 2024

May mga panahon bang ang pakiramdam mo ang lahat ay laban sa iyo? Napakalungkot kapag nangyari ito.

May isang karanasan kaming mag-asawa na nagkaroon kami ng di pagkaka-unawaan sa ilang malalapit naming kaibigan. Sa panahong iyon, naramdaman namin na hindi kami naintindihan at nahirapan kaming magtiwala ulit.

Pero alam mo, sa oras na iyon, may mga inihanda pala ang Panginoon kung saan nakita naming nandyan pa rin Sya. Halimbawa,  may isang taong nagpadala ng mensahe sa akin na nagsabing pinagdarasal nya kami, at nagbigay ng lakas ng loob na kahit na inaatake kami ng kaaway, mangyayari pa din ang mga plano ng Panginoon. Pagkatapos, isang gabi na nangungulila ako sa kaibigan, biglang may isang mag-asawa na biglaang bumisita at nag-hapunan sa aming bahay. At habang kumakain kami, sinabi nila na pinapahalagahan nila kami sa mga partikular na bagay at naging inspirasyon din ito sa amin para ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa isang matibay na relasyon.

Sa huli, naayos din ang mga di pagkakaintindihan na iyon, at masaya kami sa emosyonal na paglago na ibinigay ng Panginoon sa amin. Pero napakahirap isipin ang kadilimang pinagdaanan sa panahong iyon! 

Kaibigan, may pinagdadaanan ka ba ngayon na pakiramdam mo hindi ka naiintindihan at walang kakampi? Baka kailangan mo rin ngayon ng konting panghihikayat. Basahin natin ang promise ni Lord sa Bible: 

Kaya't buong tapang nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?” (Mga Hebreo 13:6 RTPV05

Nakikita mo ba, Kaibigan? Kahit ano pa ang gagawin ng tao sa iyo, ang Panginoon ang tumutulong sa iyo, kaya hindi mo kailangang matakot. Sana sa bersikulo na ito, mabigyan ka Nya ng lakas para magpatuloy. 

O siya, eto na muna sa ngayon. Huwag kalilimutan, Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.