Paano kung hindi mo maramdaman si Lord? π

May mga pagkakataon ba na parang hindi mo makita ang kamay ng Diyos sa iyong mga kalagayan? Nagpapahayag ka ng pagpapala sa iyong pananalapi, ngunit patuloy pa rin ang problema. Nagdadasal ka ng pagpapagaling, ngunit patuloy kang may nararamdaman. Umaawit at nagdadasal ka, ngunit parang nakikipag-usap ka sa isang pader.
Minsan, mahirap kapag tila walang sagot ang ating mga dasal. Ngunit isang bagay ang tiyak tungkol sa Diyos na ating pinaglilingkuran: lahat ng Kanyang ginagawa ay pag-ibig.
Sa Bibliya, may bersikulo na nagsasabing:
Ulo koΚΌy nakaunan sa kaliwa niyang bisig at ang kanang kamay naman niya ay nakayakap sa akin. (Awit ni Solomon 2:6 ASND)
Alam mo ba kung anong simbolo nito? Ang kanang kamay niyang nakayakap sa harap ay kumakatawan sa mga aksyon ng Diyos na maaari mong makita at maramdaman. Ang kaliwa namang bisig na nasa likod ng iyong ulo, kung saan nakaunan ang ulo mo, ay kumakatawan sa mga bagay na ginagawa Niya na hindi mo nakikita, sa mga bagay na Siya ay kumikilos sa iyong hindi pagkakaalam.
Kaibigan, ito ang hamon ko sa iyo ngayon. Isipin mo ang mga paraan na hindi natin kayang ilagay sa isang kahon ang Diyos: ano ba ang mga nangyari sa buhay mo na nagpapakita nito?
Isang bagay ang tiyak, Kaibigan: maaari kang magpahinga at magtiwala na lahat ng Kanyang ginagawa ay pag-ibig, at dahil Siya ay perpektong pag-ibig, wala Siyang ibang magagawa kundi pag-ibig. Ang pagkaalam na ang Kanyang pag-ibig ay perpekto ay magpapalayas ng lahat ng takot (1 Juan 4:18), pati na ang takot sa mga bagay na hindi natin alam.
Kaibigan, isa kang himala!

