• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 27, 2024

Nakaramdam ka ba na parang hindi ka angkop? 😰

Publication date Nob 27, 2024

Kaibigan, nakaranas ka na bang makaramdam na di ka angkop o kasali? Maaaring nangyari ito sa isang pagtitipon na wala kang kakilala. Parang madali lang ito kasi isang beses lang nangyari. Baka nangyari ito sa silid-aralan o sa pinagtatrabahuhan mo, kung saan, araw-araw, parang ang lahat ay magkakampi, o may nang-aapi sa iyo, o may nagawa kang naitakwil ka. Ito ang mas mahirap. 

Sa Bibliya, may isang babaeng itinakwil: may sakit siyang naging sanhi ng pagdurugo; maiisip mo na ilang taon na siyang naghahanap ng solusyon pero walang magawa ang mga doktor. Sa mga Hudyo, itinuturing kang madumi kapag ikaw ay may pagdurugo, kaya walang gustong lumapit sa babaeng ito, dahil magiging madumi din sila. (Luke 8:42-48 ASND.)

Maiisip mo ba ang iyong sarili sa kanyang kalagayan?? May sakit ka na nga, wala pang gustong lumapit sa iyo. Ang mas masakit pa, hindi mo naman ito kasalanan, pero ikaw ang pinaparusahan. 

Pero alam mo kung ano ang nangyari? Nang marinig nitong babae ang tungkol kay Jesus, na Syang tagapagpagaling, naghanap siya ng paraan upang makalapit sa Kanya. At, hindi nga siya basta na lumapit sa Kanya ng harap-harapan; sa halip, inabot nya ang kamay at hinawakan ang damit ni Jesus. At sorpresa! Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo! Magaling na siya! 

(Maaari mong panoorin ang eksena na ito sa The Chosen S3 - E5: Malinis, Bahagi 2, mula 31:46 - 38:08)

At hindi ito natapos doon. Hindi pinabayaan ni Jesus na basta gumaling ang babae ng hindi Nya makausap. Hinanap talaga Nya! 

Nakikita mo ba, Kaibigan? Walang hindi kabilang kay Jesus. Kahit ayaw tayong makasama ng ibang tao, gusto tayong yakapin ni Jesus. 

Ngayon,dasalin natin ito, “Jesus, nalulungkot ako kapag may ayaw sa akin. Iparamdam Nyo po sa akin na gusto Nyo ako.” 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.