• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 21, 2024

Nakakawalang-lakas ba ang "kapangitan" sa paligid mo?😖

Publication date Nob 21, 2024

Nararamdaman mo bang minsan nakakawalang-lakas ang bigat ng kapangitan sa paligid mo? Maaari itong mangyari dahil sa daming pagkasira na nababasa sa mga balita o sa social media. Laging may mga trahedya, giyera, bagyo,o baha na nababalita, hindi ba? 

Dagdagan pa ito ng mga di pagkakaunawaan na nangyayari na mas malapit sa atin. Halimbawa, mga hidwaan sa paaralan, pamilya o trabaho. Baka may kakilala pa kayong nagkaka-problema na mag-asawa o mga magulang at anak. Di ba, nakakapanghina kapag laging ganito ang nasa isip natin? 

Buti na lang, may lunas pala sa mga emosyonal na pangamba na ito. Sabi sa Bibliya: 

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais. (Filipos 4:8 ASND

Anong mga bagay na “mabuti at kapuri-puri” ang pwede nating isaisip? Posible kayang tumutok tayo sa mga magagandang bagay? Sa mga relasyon natin, malamang mas madaling magreklamo tungkol sa mga pangit na nakikita natin. Sa paaralan man o sa trabaho, mas madali ring makakita ng pagkakamali. Pero kapag intensyonal tayo sa paghahanap ng papahalagahan, posible pala! 

Sa karanasan namin, hindi madaling gawin ang maghanap ng bagay na katanggap-tanggap sa paligid. Pero kapag nagawa ito, may direktang epekto pala siya sa pakiramdam natin: nagpapagaan!  

Eto na lang, Kaibigan, hamon natin ngayong linggo? Ano kayang maganda ang mahahanap natin sa mga tao sa paligid natin? Pwede bang ngayong umaga, isulat natin ang 1-3 bagay na pinapahalagahan natin sa mga taong malapit sa atin? Kung gusto mo, pwede mo rin itong subukang sabihin sa kanila, sa text man o isang simpleng sulat. Hindi ito madaling makasanayan, pero magandang panimula na ito.

Kaya mo yan, Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.