• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 29, 2024

Nakagawa ka ba ng parol🌟?

Publication date Dis 29, 2024

Isa sa mga dekorasyon natin tuwing Pasko ay ang parol. Nakagawa ka ba nito? Sa pamilya namin, parte ng tradisyon ng Pasko namin ang gumawa ng mga dekorasyon para sa Pasko. May isang Pasko na gumawa kami ng parol na gawa sa papel; at sa ibang taon, koronang pampasko na puno ng dahon at bunga ng pine o pino, at laso. 

Alam mo ba ano ang ibig sabihin ng parol? Tumutukoy ito sa malaking bituin na lumabas at nagturo sa mga pantas (wise men) kung nasaan ang sanggol na si Jesus. Pumunta sila sa Jerusalem at nagtanong kung saan ipinanganak ang “hari ng mga Judio.” Pumunta daw sila “upang sambahin siya.” (Mateo 2:2 ASND

Nang marinig ito ng haring si Herod, nataranta siya: sino ba itong haring sinasabi nila? Hindi ba’t ako ang hari dito? Kinausap niya ang mga pantas at inalam kung kailan nila unang nakita ang bituin. Tapos, nagbilin siyang ipaalam sa kanya kapag nahanap nila ang batang hari. 

Kaibigan, ano kaya ang nasa isip ng mga mago na matatag ang puso na hanapin ang batang hari? Matapos silang umalis kay Herod, lumabas ulit ang bituin, at sinundan nila ito hanggang sa makarating sa bahay kung nasaan si Jesus.

Pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang sanggol at ang ina nitong si Maria. Lumuhod sila at sumamba sa sanggol. Inilabas din nila at inihandog sa sanggol ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira. (Mateo 2:11 ASND

Kaibigan, si Jesus ba ay hari na rin ng buhay mo? Kung hindi pa, maaari mong dasalin ito, “Jesus, gusto kong maging hari ka ng buong buhay ko.” 

Ang mabuting balita ay, Siya ang hari ng lahat ng hari, at pwede tayong magtiwala sa Kanya, dahil isa Siyang mabuting pinuno. 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.