• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 2, 2025

Nahihiya ka ba sa iyong mga gawa?😖

Publication date Peb 2, 2025

Pakiramdam mo ba na parang binitawan ka na ng Diyos? Tingin mo ba nahihiya ka, napaparusahan, o walang halaga dahil sa malaki mong pagkakamali? 

Kaibigan, ngayon ito ang katotohanan na gusto naming ibahagi sa iyo: ginawa Niya ang lahat para mapasakanya ka, at hindi ka Niya bibitawan.

May dahilan ba para lumayo ka sa Kanya at mawalan ng pag-asa sa Kanya? Paano kung tumakbo ka palayo?

Sabi sa Psalm 23:6, “Siyempre, ang kabutihan at awa ay susunod sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay.” Sa Hebreong teksto, ang ibig sabihin ng “susunod” ay nagpapakita ng parang “nagha-hunting." Kung kaya mong takasan ang Diyos, hindi na Siya Diyos!

Paano natin nasasabing hindi Niya tayo iiwan? Tingnan natin kung ano ang pinagdaanan ni Jesus noong nagdasal Siya sa Hardin ng Getsemani. Noong nandun Siya, nakikita ka Niya: ang perlas ng mataas na halaga, ang nakatagong yaman (Matthew 13:44-46). 

Ang salitang Aramaic na "Getsemani" ay literal na nangangahulugang “oil press,” na isang larawan ng pagkabasag ni Jesus para sa iyong kapayapaan. Kaibigan, i-Google mo ang larawan ng oil press o pagpiga ng langis, at makikita mong ginagamit ito sa pagpipiga ng mga oliba, para lumabas ang langis nito. 

Si Jesus ay parang nagpipiga din, para ang sariwang langis ng Kanyang pag-ibig ay dumaloy sa bawat mananampalataya mula sa Kanya!

Naramdaman Niya ang matinding awa, determinado Siyang hindi Ka bibitawan!

Imposible para sa Kanya na bitawan ka, dahil Siya ay Diyos, hindi tao, at ang Kanyang pagmamahal para sa'yo ay lampas pa sa kaya mong maintindihan. Sa katunayan, dahil sa Kanyang pagmamahal para sa iyo, tinapos ni Jesus ang gawain ng krus, para hindi na Niya kailangang bitawan ka! 

Magpahinga ka, mahal na mahal ka Niya, hindi ka Niya bibitawan. Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.