• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 15, 2024

Nahihirapan ka bang maging mas magaling sa iba?😎

Publication date Dis 15, 2024

Magpakatotoo tayo. May mga sitwasyon bang tingin mo kailangan mong patunayan ang sarili mo, na mas magaling ka sa iba? Minsan, nararamdaman natin ito kapag nakakita tayo ng post sa Facebook ng isang kaklase na kung anu-ano ang mga nakamit, o kapag nasa pagtitipon ng pamilya kung saan nagkukuwentuhan at nagpapagalingan. Hindi ba gugustuhin din nating magmukhang mas magaling? 

Sabi nila, ito daw ang isa sa pinakamalaking hirap sa modernong buhay: inggit sa iba na pinapalakas pa ng social media. Kami, may mga oras din na nahihirapan kami sa ganito, kaya naging intensyonal kami sa paggamit ng social media. Ikaw? Ilang bases ka bang gumamit ng pagpapahayag na “Sana all!” ngayong Linggo? 

Pero alam mo, Kaibigan, matagal na palang isyu itong kagustuhan ng tao na maging magaling. Dati pa, may kuwento sa Bibliya kung saan nag-isip ang mga tao ng paraan upang marating ang kalangitan. (Mababasa natin ito sa Genesis 11.) Nagtulungan silang gumawa ng isang napakataas at kamangha-manghang tore, habang iniisip, “Ang galing natin, ano!” Pero nakita ng Diyos ang kanilang ginagawa, kaya pinagulo Niya ang kanilang mga lenggwahe, at hindi natapos ang proyekto na ito. (Ito ay tinawag na Tore ng Babel, na ang ibig sabihin ay “pagkalito.”)

Mahirap pala ang isyu ng pagmamalaki ano? Pero ang mabuting balita ay, ang Panginoon natin ay hindi ganoon ang ugali. Isa Siyang mapagkumbaba na Diyos. Bakit natin masasabi ito? Una, pinili Niyang maging taong katulad natin, may mga limitasyon. Pangalawa, pinili Niyang ipanganak ng isang simpleng babae sa isang sabsaban, hindi sa kastilyo! At higit sa lahat, pinili Niyang mamatay sa isang krus, na sa panahong iyon ay parusang kamatayan para sa isang kriminal! (Philippians 2:8 ASND.)

Kaibigan, sabihin natin ng malakas, “Salamat, Panginoon, at Ikaw ay mapagkumbaba.” 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.