• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 23, 2025

Nagkukumpara ka ba sa iba? 😠

Publication date Ene 23, 2025

Kaibigan, minsan ba nakakaramdam na hindi ka sapat para sa kaharian ng Diyos? Baka dahil ito sa laro ng pagkukumpara— habang tinitingnan mo ang ibang tao at naiisip mong, “Kung sana lang katulada ako ni ganito o ni ganyan… Minsan sinusukat natin ang ating halaga batay sa kung gaano tayo kagaling ayon sa pananaw ng iba.

Pero alam mo ba na hindi ganun ang Diyos? Hindi Niya masyadong binibigyang-halaga kung gaano ka "ka-okay" o “kagandang tao” sa mata ng iba.  Sa halip, nakatuon Sya kung gaano ka Nya kamahal bilang isang tao. 

Kapag tiningnan mo ang puso ng Diyos gamit ang isang “divine microscope,” makikita mo na sa Kanyang mga mata, ikaw ay isang maganda, walang kapantay, at perpektong kasintahan na palaging nagpapabilis ng Kanyang puso. Ano ang nakakakuha ng Kanyang atensyon at nagpapa-ibig sa Kanya nang walang hanggan? Ikaw! Ikaw ang Kanyang minamahal, at ikaw ang nagpupuno sa Kanya. 

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa nararamdaman ng Diyos para sa iyo? Oo, alam natin na "mahal" tayo ng Diyos, at baka ngayon ay nagsisimula ka nang maniwala na “nagugustuhan” ka Niya. Pero alam mo ba na mas malalim pa ang nararamdaman Niya para sa iyo kaysa sa mga simpleng emosyon ng pagmamahal?

Maraming beses sa Bibliya, ginamit ng Diyos ang malakas na salitang "pagnanais" upang ilarawan kung ano ang nararamdaman Niya sa iyo. Halimbawa, nais Niyang makasama Ka at makita mo ang Kanyang kaluwalhatian (John 17:24), at nais Niya ring ipakita sa iyo ang Kanyang awa (Hosea 6:6).

Kaibigan, sabihin ito sa sarili: “Hindi Siya titigil sa anumang paraan para makuha ang puso ko.” Si Jesus mismo ang nagdasal para dito, at sigurado ka, makakamtan Niya ang Kanyang hiling dahil binayaran Niya ang pinakamataas na presyo para sa iyong puso!

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.