Nag-aalala ka ba sa mga pangangailangan mo ngayon?π©

May mga panahon sa buhay natin na parang may kulang na hindi natin alam ang gagawin. Pwedeng kinukulang ang pera natin, o di kaya’y may problema sa ating relasyon, propesyon, pag-aaral, o negosyo. Sa mga ganitong pagkakataon, madaling magpatalo sa mga pangamba..
Sa aming mag-asawa, may mga pagkakataon na nahihirapan kami kapag kulang ang pondo para sa pamilya. Ang unang gagawin ko ay maghanap ng ibang pagkakakitaan tulad ng magbenta ng kung anu-ano. Pero madalas, hindi rin ito ang sumasagot sa mga pangamba sa isip ko.
Ano kaya ang makakatulong sa pag-aalala? Sa Bibliya, may sinabi si Jesus sa mga taong nahihirapan sa pag-aalala::
“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot. Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baΚΌt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?…alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. (Mateo 6:25-27, 32 ASND)
Nakikita mo ba, Kaibigan? Hindi pala natin kailangang mag-alala ng todo-todo, dahil alam ng Ama nating nasa langit ang lahat ng pangangailangan natin.
Sa araw na ito, subukan nating kausapin ang Panginoon tungkol sa mga kailangan natin. Dasalin natin ito, “Panginoon, may kailangan akong ________. Ayokong mag-alala sa mga ganito. Pwede bang tulungan Nyo po ako? Amen.”
Kung naipagdasal mo yan, Kaibigan, nagawa mo nang ibigay kay Lord ang iyong pag-aalala..
Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala!

