• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 6, 2024

Nag U-turn ka na ba? 🚘🚘🚘

Publication date Dis 6, 2024

Kung may isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong mapanatili sa isang kuwadro ng larawan, ano ito? Araw ng Pagtatapos? Unang Araw sa unang trabaho? Ang araw na umangat ang posisyon sa trabaho? Madalas, ipinagdiriwang natin ang “pag-unlad”. Pero alam mo ba? Sa Diyos pala, mas sobrang laking pagdiriwang ang pag-u-U-turn! 

Para sa akin (Yen), ang pinaka-hindi ko makakalimutan na panahon sa buhay ko ay ang isang “weekend retreat” kung saan naranasan ko ang pagmamahal ni Jesus. Sa mga oras na iyon, ako ay humaharap sa emosyonal na pagsubok  at alam kong hindi maganda iyon. Matagal ko ng sinusubukang pakawalan, pero wala akong kapangyarihan; parang nakakulong talaga ako. 

Dumalo ako sa isang “encounter weekend retreat” ng hindi ko alam kung anong inaasahan. Habang nandoon ako, sa lahat ng mga sesyon, nararamdaman kong kinakausap ako ng Diyos; pinaparamdam Niya sa akin kung gaano Niya ako kamahal, at gaano ako kahalaga sa Kanyang paningin. Pinakita Niya na, kahit wala akong halaga, handa pala talaga Siyang ibigay ang buhay Niya para sa akin. Doon ako nagkalakas-loob mag-“U-turn” pabalik kay Lord. 

Kaibigan, nag-iisip ka din ba kung paano kang mahalin ng isang perpektong Diyos? 

Ito din ang karanasan ni Maria sa Bibliya—hindi si Maria na ina ni Jesus, kundi yung Maria na isinalarawan sa Bibliya na isang babaeng makasalanan. Hindi natin alam kung ano talaga ang mga ginawa niya, pero pwede din natin maisip ang pakiramdam ng nagkasala anuman ang naging kasalanan. Naiintindihan mo ba? 

Pero ang mabuting balita ay, kahit ano pang mga nagagawa natin, gustong-gusto ni Jesus na bumalik lang tayo sa Kanya.

Panoorin kaya natin ang eksena na ito sa The Chosen S2 - E6: Batas sa Batas, mula 27:57 - 31:00.

Isipin natin ang ating mga sarili sa eksena na ito: ano kaya ang makikita natin sa mukha ni Jesus sa oras na bumalik tayo sa Kanya? 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.