• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Kaibigan, kapag nag-iisa ka, lalo bago matulog, anu-ano ang mga laging nasa isip mo? May mga alalahanin ka ba? Mga reklamo? May mga pasasalamat ba sa mga mahalagang tao sa buhay mo? Mga problemang hinananapan mo pa ng solusyon? 

Bakit namin naitanong ito sa serye tungkol sa kalakasan o kapangyarihan ng mga salita? Dahil ito sa isang importanteng prinsipyo: kung ano pala ang nasa puso at isipan natin ay nasasalamin sa lumalabas sa bibig natin. Basahin natin itong sinabi ni Jesus: 

Ganoon din naman ang tao. Ang mabuting tao ay nagsasalita ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang puso niya. Ngunit ang masamang tao ay nagsasalita ng masama dahil puno ng kasamaan ang puso niya. Sapagkat kung ano ang nasa puso ng isang tao, iyon din ang lumalabas sa kanyang bibig. (Lucas 6:45 ASND

Naku. Kung ano pala ang nasa puso’t isipan natin ay may impluwensya sa kung ano ang lumalabas sa mga bibig natin. Kaya pala, sa ating hangarin na maging mabuti ang ating salita, napaka-importante itong talata sa Bibiya: 

…mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais. (Filipos 4:8 ASND

Paano natin gagawin ito? Sa pamilya namin, intensyonal kami sa paglalaan ng oras sa ating kalikasan, dahil isa itong halimbawa ng magaganda at kapuri-puring bagay. Sinasadya rin naming magbasa ng mga magagandang libro, at makinig sa mga awiting nakakapagpasigla. 

Ikaw, paano ka Kaibigan? Ano kaya ang isang bagay na pwede mong gawin ngayon na magdudulot sa isip mo ng maganda, malinis, marangal, at kanais-nais? Kuwento mo sa amin kung anu-ano ang mga ito! 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.