• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 4, 2024

May halaga ba ako?

Publication date Nob 4, 2024

May mga oras din bang kinukwestyon ka kung may halaga ang buhay mo? Madami sa atin ngayon ang nahihirapan sa ganito, lalo na kung may mga nangyayaring hindi maganda. 

Para sa akin (Yen), lumaki akong nararamdaman kong hindi ako naiintindihan ng mga tao. Hanggang ngayon, sa mga pagkakataong lumalabas ang kahinaan ko at ramdam kong hindi ako naiintindihan, napapa-kwestyon ako sa halaga ko. Baka ganyan din ang karanasan mo,Kaibigan ? May mga pagkakataon bang hindi mo alam kung ano ang halaga mo bilang tao?

Sa mga ganitong pagkakataon, nakakatulong sa akin na isipin na may isang nakakakilala sa bawat bahagi ko, at ito ay si God, na Siyang lumikha sa akin.

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin.    Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin.    Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. (Salmo 139:13-14 Ang Salita ng Dios)

Magdahan-dahan kaya tayo, Kaibigan , at ramdamin yung nakasulat sa Bibliya. Ang Panginoon daw ang humugis sa iyo, at kahanga-hanga ang paglikha Nya sa buhay mo. Hindi ba nakakatuwang isipin na wala Siyang nagagawang mali? Ibig sabihin hindi rin Sya nagkamali sa paglikha sa iyo! 

Sa sandaling ito, Kaibigan , ito ang hamon ko sa iyo: kahit isang beses sa isang araw lang, maaari mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin at sabihing, “Si God ang lumikha sa akin, at alam Nya ang Kanyang ginagawa.” Pwede mo itong gawin pagkagising sa umaga o bago matulog. Subukan mo! 

Sige, yan lang muna sa ngayon. Tandaan mo, Kaibigan , isa kang himala!

 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.