• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 6, 2024

May pinagsisisihan ka ba?

Publication date Nob 6, 2024

May mga pinagsisisihan ka ba sa buhay mo? Malamang mayroon, maliit man o malaki yun. Minsan, nakaka-paralisado ang pagsisisi, kaya importanteng alam natin kung ano ang katotohanan tungkol dito. 

Sa buhay may-asawa namin ni Mark, marami din kaming mga pinagsisihan. Halimbawa, sa mga unang taon naming kasal, hindi kami marunong paano humawak ng mga hidwaan. Kaya marami kaming nabitawang mga masasakit na salita sa isa’t-isa. At noong mga unang taon naming naging mga magulang, nahirapan din kaming kontrolin ang aming galit sa pagdisiplina ng mga bata.

Ang magandang balita ay, walang sayang kay Lord. Lahat ng mga hamon na nadadaanan natin, nagagamit Nya para sa ating pag-unlad. Ito ang nangyari kay Joseph: noong bata siya, ibinenta siya ng mga kapatid nya at sinabing patay na. Yun pala, napadpad siya sa Egypt, kung saan, matapos ang maraming taon, inilagay siya ng Panginoon sa isang makapangyarihang posisyon na naging malaking tulong hindi lang sa pamilya nya kundi sa buong bansa.

Nasasabi sa Genesis 50:20, “Totoong nagplano kayo ng masama sa akin, pero plinano na ng Dios na magdulot iyon ng kabutihan na siyang nagligtas ng marami sa inyo… (sa taggutom).” 

Kaibigan, may mga nangyayari ba sa buhay mo na pakiramdam mo ay sayang lang? Tingnan mo din itong nakasulat sa Salmo 139:16

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang.    Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Dito natin makikita na ang lahat palang pangyayari sa buhay natin ay nakasulat sa book ng Panginoon. Paano kaya ito makakatulong sa iyo, Kaibigan? 

Ngayong araw, subukan nating sumang-ayon sa Panginoon. Sabihin natin ito ng malakas, “Ang lahat ng nangyayari sa akin ay nakasulat na sa aklat Nyo bago pa man ito mangyari.” 

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.