• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 9, 2024

May gampanin ka ba sa mundong ito?

Publication date Nob 9, 2024

Ano bang mga bagay ang masasabi mong may talento o di kaya’y dalubhasa ka? Magaling ka bang kumanta, o gumuhit? O mahilig ka bang makinig sa mga kaibigan mo at magbigay ng inspirasyon?

Kung nahirapan kang sagutin ang tanong na ito, malamang ay naguguluhan ka sa kakayanan mo. Marami sa atin ngayon ang nakakaramdam ng ganito, karaniwan kapag may mga nakikita tayo sa social media na mga ka-edad natin na mas marami ng nakamit. 

May mga pagkakataon din na nakakaramdam kami na may kulang sa amin. Kunwari ako (Yen), may mga pagkakataon na naihahalintulad ko ang mga ginagawa namin ng pamilya ko sa mga nakikita ko sa Facebook. Minsan, nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga nakikita kong tugma sa gusto ko sana para sa sarili kong mga anak na hindi nangyayari."

Sa mga oras na ito, nakakatulong sa akin na malaman na obra pala ako ng Panginoon. Hindi ako nagkukulang sa kung anu-anong pinapagawa Nya sa akin, at hindi ko trabaho ang ikumpara ang sarili ko sa mga ginagawa ng ibang tao.


Sa isang sulat ni Paul sa Ephesus, sinabi nyang: 

Nilikha tayo ng Dios; at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, para gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Dios na gawin natin. (Efeso 2:10

Naiisip mo ba, Kaibigan? Noon pa daw ay naitakda na ng Panginoon ang mga kabutihang gagawin natin, dahil nilikha Nya tayo. Sa wikang Ingles, inilalarawan tayong “workmanship” Nya, “created in advance to do good works.” 

Hindi pala tayo aksidente, sa simula pa lang, obra Nya tayo at may nakatakda na Siyang gawain para sa atin.

Kaibigan, maglaan tayo ng sandali ngayon para isipin ang mga talento at regalo na ibinigay ng Panginoon.

Huwag kalilimutan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.