• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 14, 2024

May mga pangangailangan ka ba ngayon?🥹

Publication date Nob 14, 2024

Kaibigan, mayroon ka bang kailangan ngayon na hindi mo alam kung saan kukunin? Siguro, pinansyal na pangangailangan ito tulad ng kulang sa buwanang pondo, o may kailangang ayusin na malaking bayarin. Mahirap kapag wala tayong maisip na paraan, di ba?

Si Abraham ay isa ding karakter sa Bibliya na nahirapan sa ganito. Sa katunayan, hindi siya kulang sa pera; pero malungkot silang mag-asawa ni Sarah dahil wala silang anak. Wala namang mapuntahan ang lahat ng kayamanan nila! 

Mababasa natin ang istoryang ito sa Genesis 12.  Sa maikling kwento, binigyan ng Panginoon si Abraham at Sarah ng sarili nilang anak na si Isaac. Pero sinubok ng Panginoon si Abraham kung kaya ba nyang isuko ang pinakamamahal nyang anak.  Habang papunta sila ni Isaac sa lugar kung saan sila magsasakripisyo, nagtanong si Isaac, “‘Tay, asan ang tupa para sa sakripisyo?” 

Naku, napakasakit sigurong isipin ni Abraham na hindi alam ng anak nya na siya pala ang mismong isasakripisyo ng ama! Pero ang sagot ni Abraham? “Ang Panginoon ang magbibigay ng kailangan natin, anak.” 

At tama nga ang sinabi nya. Dahil sa mismong oras na papatayin na sana ni Abraham ang anak nya bilang sakripisyo, pinatigil siya ng Panginoon, at ipinakita sa kanya na totoo nga, may tupa doon sa tabi na pwede niyang gamitin na sakripisyo. 

Kaibigan, nararanasan mo din ba ang sobrang bigat ng kakulangan, na madaming kailangan na walang sagot? Ang Panginoon pala ay isang Tagapagkaloob . Natutuwa Syang ibigay ang lahat ng kailangan natin. 

Ngayon, Kaibigan, ilista kaya natin sa isang notebook ng panalangin ang mga hinihiling natin sa Panginoon? Matapos nating sabihin sa Panginoon ito, hintayin natin ang Kanyang sagot. Kung kailanman dumating itong mga sagot, isulat natin sa tabi ng talaan. Sa ganitong paraan, maipagdiwang natin ang pagiging Tagapagkaloob nya. 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.