• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 26, 2024

May maliit ka bang alay ngayon? 😊

Publication date Nob 26, 2024

Ano ba ang mga paborito mong alaala noong bata ka pa? Nakapaglaro ka ba sa labas ng bahay, tatawagin na lang umuwi kapag hapunan na? Nakipaghabulan ka ba sa mga kalaro mo hanggang sa hinihingal ka na sa katatakbo? 

Masarap isipin muli ang mga araw na bata pa tayo at walang iniintindi, hindi ba? Kung kabataang nasa hustong gulang ka na ngayon, malamang may mga responsibilidad ka nang iniisip araw-araw. Kung ikaw na ang kumikita, may mga bayarin na, at may mga gawain din na dapat laging ginagawa. Minsan, nadadala tayo sa alalahanin natin. 

May isang ganitong nangyari sa panahon na nandito si Jesus kasama ang mga disipulo Nya. Maraming sumama sa Kanya na gustong gumaling, o makinig sa mga salita Nya na nagbibigay sa kanila ng lakas-loob. Pero minsan, nag-aalala ang mga disipulo Nya dahil napakarami na ng tao at napakalayo pa nila sa mabibilhan ng pagkain. (Mababasa ito sa Mateo 14:13-21 ASND.) 

Alam mo ba kung ano ang nangyari? Sinabi ni Jesus sa kanila na sila daw ang magpapakain sa libu-libong taong kasama nila. Gulat na gulat ang mga disipulo, at hindi nila alam ang gagawin. Pero may isang batang nag-alay ng kanyang dalang isda at tinapay. Malamang may ideya ka na kung anong nangyari sa pagkaing ito: kinuha ito ni Jesus at nagsagawa Sya ng himala kung saan ang limang pirasong tinapay at dalawang isda ay naging sobrang-sobra pa sa pangangailangan ng 5,000 tao na nandoon. 

Panoorin natin ito sa The Chosen S3 - E8: Pagpapanatili, mula 44:13-49:15.

Kaibigan, ikaw ba, mayroon ka bang maliit na pwedeng ialay kay Jesus? Kahit na tingin mo kulang ito, subukan mo lang na ibigay lang ito sa Kanya. Alam Nya kung paano gamitin ang maliit na alay sa kailangang mangyari. 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala. 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.