May kailangan ka bang pagpapagaling ngayon?🤧😷🤒

May mga bahagi ba sa buhay mo kung saan kailangan mo ng pagpapagaling ngayon? Maaaring ito ay isang pisikal na karamdaman, o di kaya isang aspeto ng emosyonal na sakit o mahirap na pinagdaanan, na kahit napatawad mo na ay masakit pa din. Hindi ka nag-iisa!
Sa Bibliya, isa sa mga pangalan ng Panginoon ang “Jehovah Rapha,” na ibig sabihin ay “Ang Diyos ang ating Manggagamot”. Maraming mga kwento doon ng mga sakit na napagaling ng Panginoon. Sa panahon nila Moses, may isang beses na maraming Israelita ang kinagat ng ahas. Nagbigay ng utos ang Panginoon kay Moses na itaas ang isang tansong ahas, at lahat ng nakatingin doon ay gumaling agad. Sabi Nya,
“Ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.” (Exodus 15:26 ASND)
Sa 2 Kings 5 naman, may ketong si Naaman. Sinabihan siya ng propeta ng Panginoon na maligo sa ilog ng Jordan, at matapos nyang gawin ito’y naging parang sanggol ang balat nya.
Sa Bagong Testamento, kilala si Jesus bilang manggagamot. Pinagaling Nya hindi lang mga pisikal na karamdaman, tulad ng pagdurugo, pati na din mga kapansanan tulad ng pagkabulag at pagkabingi, at ang mga taong nasa ilalim ng kontrol ng demonyo.
Sa buong kasaysayan, may mga oras na agad at mabilis ang paggaling, tinatawag itong himala. Minsan, ginagamit Nya ang mga propesyonal tulad ng doktor at mga espesyalista na gawin ang kailangan para gumaling ang isang tao. Sa ibang pagkakataon naman, hindi natin maintindihan kung bakit parang hindi pa dumarating ang paggaling. Pero hindi nito mababago ang katotohanan na ang Panginoon ay isang Manggagamot.
Kaibigan, alam mo ba na pwede mong hingin kay Jesus ang paggaling? Pwede nating dasalin ito, “Jesus, kailangan ko ng pagpapagaling mo sa _________. Humihiling akong pagalingin Nyo po ako. Sa ngalan ni Jesus, amen.”
Kung may natanggap kang pagpapagaling sa Panginoon, huwag mag-atubiling ibahagi sa amin sa pamamagitan ng pagsagot sa emal na ito. Matutuwa kaming makarinig sa iyo!
Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala!

