May kaaway ka ba? 😤

Kaibigan, may kaaway ka ba? Baka kaklase kang kahit sa unang araw pa lang ng pasukan ay talagang di na kayo magkasundo? O…meron ka bang miyembro ng pamilya o dating kaibigan na naging kaaway? Ano ba ang nangyari? Sa pagkakaibigan minsan, kapag hindi naresolba ang mga di pagkakaunawaan, pwede itong lumaki hanggang sa hindi na ninyo alam paano malalagyan ng tulay ang agwat..
Ang lahat ng ito ay mga relasyon na napakahirap bigyan ng gabay. Minsan, iniisip natin, mas madali pang kalimutan na lang ang lahat at hinding-hindi na ulit makipagkita sa mga taong ito. Totoo nga naman, may mga oras na kailangan nating magtakda ng hangganan sa mga hindi maayos na relasyon. Pero sa kabilang banda, may mga pagkakataon din na hindi mangyayari ang tuluyang mawala ang interaksyon sa mga taong itinuturing nating “kaaway.”
Alam mo ba kung ano pa ang sinasabi ni Jesus sa Bibliya? Hindi lang pala para sa mga loved ones natin ang love for others. Hindi lang pala para sa mga mahal natin ang pagmamahal sa iba. Maniniwala ka ba, hinihikayat pa Niya tayo na mahalin ang ating mga kaaway?
Basahin natin ito:
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Mahalin mo ang iyong kaibigan, at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo. Kung gagawin ninyo ito, magiging tunay na anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat hindi lang sa mabubuting tao niya pinapasikat ang araw kundi pati na rin sa masasama. At hindi lang ang matutuwid ang binibigyan niya ng ulan kundi pati na rin ang mga hindi matuwid. (Mateo 5:43-46 ASND)
Naku, napakahirap mahalin ang kaaway, di ba? Pero subukan natin ito, Kaibigan. Magsabi ka ngayon ng isang simpleng dasal para pagpalain ang iyong mga kaaway. Pwede mong sundin ito, “Panginoon, pagpalain mo si _______.”
Kaibigan, isa kang himala!

