May humahadlang ba sa iyo? 🧱

May mga gusto ka bang gawin o kailangang gawin pero may humahadlang? Baka may kailangan kang gawin pero kulang ang pera, o kulang ng kakayahan. Minsan, pwede nating hanapan ito ng solusyon, tulad ng pwede tayong maghanap ng paraan para mas kumita pa ng pera, o maglaan ng oras para mas mapabuti pa ang ating kakayahan.
Halimbawa, sa amin ni Mark, sa aming mga unang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, nahirapan kaming ayusin ang aming mga di pagkakasundo. Malamang, parte ng dahilan ay ang aming pagkakaiba sa pagpapalaki at personalidad, at hindi kami sanay sa maayos na komunikasyon. Kaya kinailangan naming maging intensyonal na matutuhan ang mga kakayahan na magkaroon ng malusog na komunikasyon, at nakatulong ito sa pagpapabuti ng aming relasyon.
Sa Bibliya, may isang taong nangangailangan ng himala, ngunit may humahadlang sa kanya. (Mababasa natin ang kwento nito sa John 5:1-15 ASND.) Nandoon na siya sa lawa ng Bethesda, kung saan ang paniniwala ng lahat ay, paminsan-minsan, may anghel na gumagalaw ng lawa, at kung sino ang unang makapunta sa tubig ay siyang makakatanggap ng pagpapagaling.
Ang galing, di ba? Ang problema, itong pinakabida natin ay pilay. Siyempre, mabagal siyang gumalaw, eh, tuwing may gumagalaw sa tubig, kahit anong pagsisikap niya, may nauuna talaga sa kanya.
Kaibigan, nararamdaman mo din ba ang desperasyon na malamang meron sya? Na kahit anong gawin mo, wala pa ring mangyayari?
Pero hindi dito nagtapos ang kwento: si Jesus mismo ang lumapit sa taong ito at tinanong kung gusto niyang gumaling. At ibinigay ni Lord sa kanya ang himala na kailangan niya, kahit na may humahadlang sa kanya na lumapit sa paggaling niya.
(Panoorin ito sa The Chosen, S2 - E4, Ang Perpektong Pagkakataon, mula 45:33 - 50:17.)
Kaibigan, kahit ano pa ang humahadlang sa iyo, pwede kang lumapit kay Jesus! Tandaan mo, isa kang himala!

