• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 6, 2025

May gusto ba sa iyo?🥰

Publication date Ene 6, 2025

Kaibigan, minsan ba nakakaramdam kang parang walang may gusto sa iyo? Sa katunayan, baka ikaw mismo, hindi mo gusto ang sarili mo. Maaaring dahil ito sa mga bagay na nagawa mo o hindi nagawa. , Sa alinmang pagkakataon, parang may boses na nagsasabing, “hindi ka sapat.” 

Siguro, alam mo namang mahal ka ng Diyos, dahil namatay Siya para sa iyo, pero ngayong anak ka na Niya, pakiramdam mo, isa kang kabiguan sa Kanya. Sa isip mo, magugustuhan lang at masisiyahan Sya sa iyo kapag naabot mo ang tiyak na antas ng “espiritwal na kahustuhan..” 

Nakakita ka ba ng mga magulang na nagbabantay sa kanilang batang anak na ngayon pa lang natututong maglakad? Kapag nadapa ang bata, mabilis bang lumalapit ang mga magulang upang pagalitan ito? Nagagalit ba sila sa kanyang “kabiguan”? Hindi, di ba? Nakikita natin ang mga nanay at tatay na napakalambing magsalita sa anak, kahit na nasa antas ng “terrible-twos”  ang mga ito! 

Pero, sa isip natin, mas istrikto ang Ama natin sa langit, baka dahil alam nating mas mataas ang mga pamantayan Niya. Oo nga naman, mataas nga, pero yun nga ang dahilan kung bakit kailangang si Jesus ang kumuha ng lahat nating kasalanan sa krus. Ngayon, dahil sa krus, makikita nating ang lahat nating pagkakamali ay bayad na. 

Parang sa nangyari kay Peter noong nakita niyang naglalakad si Jesus sa tubig. Tinawag siya ni Jesus at nakaya niya ring maglakad, pero ito ang nangyari: 

Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!” Agad naman siyang inabot ni Jesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan? (Mateo 14:30-31 ASND

Kaibigan, naririnig mo ba ang mabait na boses ni Jesus habang sinasabi ito? Kahit pala sa kahinaan natin, tutulungan tayo ni Jesus at nasisiyahan Sya sa atin!

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.