May date o katipan ka ba ngayon?💐

Maligayang Araw ng mga Puso! May katipan o date ka ba ngayon? Kung meron, ipinagdarasal namin na sana ang mga oras nyo na magkasama ay magdulot ng lakas sa isa’t-isa. Kung wala, ayos lang yan, maaari pa rin nating sanayin ang pagiging inspirasyon sa mga relasyon na meron tayo ngayon.
Kaibigan, napagdaanan mo ba ang magkaroon ng alitan sa taong mahal mo na tumaas na lang ng tumaas ang mga emosyon ninyo hanggang hindi na kayo nagkaintindihan? Mahirap pag ganoon, ano? Pero alam mo bang naisalarawan pala ang pangyayaring ito sa Bibliya? Basahin natin ito ng magkasama:
Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. (Kawikaan 15:1 ASND)
Malamang, nagkita ka na ng halimbawa kung paano lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. Hindi ba, kapag may hindi pagkakaintindihan, ang daming nasasabi na sa halip na maayos ang mga isyu, lalo pang lumalala ito? (Sana, hindi ito mangyari sa espesyal na araw na ito, ano?) Pero naranasan mo na rin ba kung paano makakapawi ng poot ang malumanay na sagot?
Madalas, kapag may alitan na tayo, mahirap mag-isip ng sagot na hindi galit! Medyo emosyonal kaming mag-asawa, kaya kapag hindi kami nagkakaintindihan, madali din kaming magbitaw ng mga pabalang na sagot. Sa pamamagitan ng mga klase sa komunikasyon at relasyon, natutunan namin ang importansya ng paghinto muna upang makabalik sa kalmadong estado, saka ipagpatuloy ang usapan. At nakikita namin ang laking pagkakaiba nito.
Ito din ang hinihikayat naming gawin mo, Kaibigan. Kapag may kausap kang parang emosyonal na ang isa o pareho kayo, subukan mong pigilang sumagot muna, maliban kung kaya mong sumagot nang malumanay. Subukan mo ito, at kwentuhan mo kami kung ano ang nangyari.
Naniniwala kami sa iyo, Kaibigan! Isa kang himala!

