Mas gusto ba Niya tayo kapag gumagawa ng mga “espiritwal” na bagay?✝️

Kaibigan, sa tingin mo ba, may pagkakaiba ang damdamin ng Diyos sa atin kapag gumagawa tayo ng mga “espiritwal” na bagay? Halimbawa, pakiramdam mo ba, mas gusto ka Niya kapag nagdarasal ka, o nagsisimba, o nagbabasa ng Bibliya?
Alam mo bang ang puso ng Panginoon ay tumitibok para sa iyo? Kahit na hindi ka sumasamba sa Kanya sa panahong ito, gusto Ka pa rin Niya. Dahil ito sa katotohanan na hindi naka-depende sa mga aksyon mo ang kanyang pagmamahal, kundi nakadepende ito sa katangian Niya. Isipin mo kaya ang mga magulang na nakatingin lang sa natutulog nilang sanggol. Kahit walang ginagawa ang sanggol, mararamdaman mong mahal na mahal nila ito.
Ano kaya ang damdamin ng Diyos sa iyo? Tingnan natin itong bersikulo sa Bibliya:
Siya na lumikha sa iyo ay magpapakasal sa iyo na parang isang binata na ikakasal sa isang birhen. At kung papaanong ang nobyo ay nagagalak sa kanyang nobya, ang iyong Dios ay nagagalak din sa iyo. (Isaias 62:5 ASND)
Nakikita mo ba, Kaibigan? Nagagalak pala si Lord sa atin na parang isang nobyong nagagalak sa kanyang nobya. Ang tindi ng paglalarawan ano?
At ang mabuting balita pa, hindi lang ito nangyayari ng isang beses. Ang Panginoon natin ay hindi nagbabago, ganoon pa rin siya kahapon, ngayon, at bukas. Kaya pwede tayong maging sigurado na ang pagiging masaya Nya sa atin ay palagian din, na tulad ng walang hanggang kapangyarihan ng krus nang ibinigay Niya ang buhay Niya para sa atin.
Sa totoo lang, ang hindi permanente ay ang ating kaalaman ng pagsasaya Nya. Kaya ngayon, ito ang hamon namin sa Iyo, Kaibigan. Sabihin mo ito ng malakas, “Ang Diyos ay nagagalak sa akin.”
Kaibigan, isa kang himala!

