• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ene 30, 2025

Malayo bang abutin ang Panginoon? 🔭

Publication date Ene 30, 2025

Nakita mo na ba yung mga magulang na kausap ang mga maliliit nilang anak? Madalas, hindi nila maiiwasang gumamit ng boses na parang bata, at yung mga salitang ginagamit nila ay iba sa mga ginagamit nila kapag kausap nila yung mga kaedad nilang matatanda.

Bakit nga ba ganun? Siguro isa itong magandang halimbawa kung paano tayo nakikisalamuha ng ating Amang nasa Langit.

Minsan, naiisip natin na kailangan natin gawin o maging kung anuman para marinig ang Diyos, parang ang “kalooban” Niya ay malayo o mahirap abutin. Pero sabi sa Bibliya, 

“Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya.” (Mateo 7:11 ASND).

Kaibigan, hindi tayo ang unang lumapit sa Diyos. Kaya wala tayong dahilan para mag-alala na baka hindi tayo marinig o hindi tayo kausapin. Siya ang unang lumapit sa atin—siya pa nga ang nagkatawang-tao para makipag-ugnayan sa atin! At nang namatay si Jesus sa Krus, binuksan Niya ang daan para manahan Siya sa atin.

Kung ang kamatayan ni Jesus ang nagbukas ng daan para makipag- usap tayo sa Diyos, sigurado tayo na laging bukas ang daan, kahit ano pa ang mangyari! 

Sabihin mo ito ng malakas, Kaibigan: “Ang relasyon natin kay Lord ay hindi nakadepende sa kung anong nagawa o hindi natin nagawa—hindi ito tungkol sa ating tagumpay o pagkatalo, kundi sa perpektong gawa ni Jesus sa krus.”

Relax lang, Kaibigan. Si Jesus, kayang-kaya ka Niyang kausapin sa wika mo—at masaya Siyang ginagawa ito, kasi ikaw ay sobrang mahalaga sa Kanya!

Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.