• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 23, 2024

Malapit ka ba sa tatay mo?👨‍👦

Publication date Nob 23, 2024

Naku, Kaibigan, pasensya na kung maaaring medyo sensitibo ang paksa natin ngayon! Pwede bang magtanong, malapit ka ba sa tatay mo? 

Hindi lahat ng tao ay may magandang relasyon sa kanilang tatay. May mga tatay na nawawala, baka dahil sa trabaho, o hindi lang nila alam paano makisama sa atin sa panahon na lumalaki tayo. Meron namang may hindi magandang karanasan kung ang tatay ay madaling magalit, sumisigaw, o mabilis ang kamay. Hindi namin nais maliitin ang sakit sa mga ganoong karanasan.

Sa kabilang banda, meron namang ibang lumaki na malapit sa kanilang mga tatay. Kung isa ka sa mga ganon, ano ba ang isang paboritong alala ninyong magkasama? 

Sabagay, bakit ba namin nabanggit ang posibleng masakit na paksang ito? Sa totoo lang, Kaibigan, ang dahilan ay, isa sa mga paglalarawan ng relasyon ng Diyos sa atin ay bilang isang Ama. At napakahirap isipin ito kung ang relasyon natin sa ating mga tatay ay hindi maganda. 

Basahin natin ang bersikulong ito: 

Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. (Mga Awit 103:13 Ang Biblia TLAB

At alam mo ba, isa sa mga kuwento ni Jesus ay ang tungkol sa naglayas na anak. (Lucas 15:11-32 ASND) Kahit na lahat ng pera ng ama nito ay inubos nya na sa mga bisyo, nang naisipan niyang bumalik sa kanyang ama, handang-handa ang ama na tanggapin siya. Hindi lang iyon, tumakbo pa ang ama upang salubungin siya, binigyan siya ng singsing at sandalyas, mga simbulo ng kanyang posisyon sa pamilya. At naghanda pa ito ng isang malaking selebrasyon! 

Alam mo ba, bilang isang Ama, ganoon din ang pagmamahal ng Diyos sa iyo? 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.