• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 21, 2024

Mahilig ka bang magmadali? πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™‚οΈ

Publication date Dis 21, 2024

Kaibigan, ang personalidad mo ba, mahilig magmadali, o mas sanay kang mabagal gumalaw at mag-desisyon? Iba-iba ang mga personalidad natin; may mga taong mabilis talaga gumawa ng desisyon, mayroon namang nag-iisip muna bago magdesisyon. May mabilis kumilos, at mayroon namang mas kalmado at parang mas relaks—na kung minsan ay napagkakamalan na nating tinatamad! 

Bakit namin ito nabanggit? Kung sa isang siyudad ka nakatira, malamang sanay ka sa mabilis na pamumuhay. Lalo pa itong nadagdagan dahil halos lahat ngayon mabilis na lang natin nakukuha: may mga fast food na sa loob ng 5-10 minuto handa na ang pagkain natin; may ATM na makakakuha tayo ng pera kahit anong oras, kahit saan; may mga instant noodles, pagkain na microwaveable, at instant messenger. 

Iba ang buhay sa probinsya, madalas mabagal ang usad ng buhay doon. Totoo bang kailangang mabilis ang lahat? 

Sa totoo lang, Kaibigan, hindi laging tama ang kaisipan na masama ang hindi agad makuha ang gusto natin. May oras na natutukso tayong piliting makuha ang mga iyon sa pinakamadaling panahon. Ang nangyayari, nauunahan na natin ang plano ng Panginoon para sa atin. Alam mo ba, minsan mas may kapangyarihan ang matutong maghintay sa Panginoon. 

Tingnan natin ang bersikulo na ito: 

PANGINOON, akoΚΌy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. (Salmo 130:5 ASND

Kaibigan, ano ba ang minamadali mo ngayon na alam mong kailangan mong hintayin sa Panginoon? Sanayin mong ibigay ito sa Kanya! Pwede mong isulat ang mga ito sa isang notebook o journal. Hindi madali ang matutong maghintay sa Panginoon, pero kung dahan-dahan, at araw-araw mong sasanayin ito, mas magiging kaugalian na sya. 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.