• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 7, 2024

Mahilig ka ba sa superheroes? 🦸‍♂️🦸

Publication date Dis 7, 2024

Kung pipili ka ng paboritong superhero, sino ba ang pipiliin mo? Si Superman, si Spiderman, o si Iron-Man? At bakit ba siya ang pinili mo? Dahil ba sa isang tiyak na superpower?

Marami sa kanila, gaya nina Superman, Batman, at Spiderman, hindi nalalaman ng mga tao kung sino sila sa totoong buhay . Kapag may balita ng isang krimen, ang isang mukhang-ordinaryong tao ay bigla na lang nagpapalit ng kasuotan, hindi para magkaroon ng kapangyarihan, kundi para itago ang kanyang pagkakakilanlan — at siguradong-sigurado na huhulihin o tatalunin nito ang kiminal. 

At ang isa pang karaniwang tema ng mga kwento ng superhero ay, lagi silang nandoon kapag may nangangailangan. Kapag may nangyaring masama, hintay ka lang ng konti, siguradong darating si superhero at maaayos nito ang lahat. 

Sa Pilipinas, mabilis nating nauugnay si Jesus sa Diyos dahil sa nakikita natin sa mga larawang panrelihiyon. Pero naiisip mo ba ang pakiramdam ng mga unang alagad noong nakilala nila ang taong si Jesus? Oo, tao Siya, pero may ibang pagkakakilanlan pala Siyang hindi alam ng lahat. Kung tutuusin, parang bayani, pero mas mabuti, dahil totoo Siyang tao at hindi parte na mundo ng pantasya sa komiks o pelikula. At hindi lang Siya superhero, kundi Diyos mismo!

Panoorin natin ang video na ito sa The Chosen, S2 - E1: Kulog, mula 1:00:26 - 1:02:04. 

Balik tayo sa pangalawang tema ng mga paboritong pelikula ng superhero natin: hindi ba, tuwing na kailangan sila, agad silang dumarating? Alam mo ba ganyan din si Jesus sa atin? Nakasulat sa Aklat ni Santiago sa Bibliya: 

Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. (Santiago 4:8 ASND)

Kaibigan, may kailangan ka ba ngayon? Humingi ka ng tulong kay Jesus, at gusto Niyang tumulong. Pwede mong ipagdasal ito, “Panginoon, kailangan ko ng tulong mo sa _________.” 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.