• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 4, 2024

May gusto ka bang palitan sa sarili mo?🪞

Publication date Dis 4, 2024

Kaibigan, mayroon ka bang gustong palitan sa sarili mo? May mga taong gustong ayusin ang kanilang buhok o pigura. Meron namang gustong lumago sa pagsasalita sa publiko o sa pakikipag-ugnayan. 

Para sa akin, isa sa mahirap ay ang paghawak ng pagkapagod. Sa mga oras na hindi ko sya madala ng maayos, nagiging masungit ako sa mga bata at kay Mark. Masaya akong sabihin na nitong mga nakaraang buwan, marami akong natutunan sa paghawak ng pagod, kaya nabawasan din ang mga di pagkakaintindihan namin sa pamilya. 

Naiintindihan ko ang magkapatid na Santiago at Juan na mga alagad ni Jesus. Sa Bibliya, tinatawag silang Mga Anak ng Kulog, dahil lagi daw sumasabog ang kanilang mga emosyon. Sa isang pagkakataon sa Bibliya, naitala ang reaksyon nila sa mga taong tumanggi sa kanila: 

Pero ayaw [si Jesus] tanggapin ng mga taga-roon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem. Nang malaman iyon ng mga tagasunod ni Jesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Jesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?” Pero lumingon si Jesus at pinagsabihan sila, “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang nasa inyo. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang iligtas ang mga tao at hindi upang ipahamak sila.”  (Luke 9:53-56 ASND

(Panoorin ang eksena na ito sa The Chosen S2 - E1: Kulog, mula 50:54 - 54:40)

Madali palang mag-isip ng paghihiganti ano? Sa nangyari kay Santiago at Juan, hindi pala ito ang daan ni Jesus para harapin ang mga taong tinanggihan Sya. Gusto Niyang iligtas ang mga tao at hindi ang ipahamak sila. 

Kaibigan, minsan ba’y nahihirapan ka din sumagot sa mga tao? OK lang na ikwento mo ito kay Jesus, dahil alam na Nya ang mga kahinaan mo, at tanggap ka pa rin Nya. 

Tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.