• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 12, 2024

Kung makakagawa ka ng pelikula, sino ang gaganap?🎥

Publication date Dis 12, 2024

Kung makakagawa ka ng isang pelikula, ano ang gusto mong pinakabida? Ano ang mga katangiang gusto mong ibigay sa pangunahing gaganap? Malamang ay mabuting tao ito, mabait, hindi madaling magalit, mapagmahal, magaling, malakas, at kung anu-ano pang mga magagandang katangian!

Ang problema ay, sa totoong buhay, mahirap makahanap ng taong taglay ang lahat ng ito! Hindi ba, kahit gaano pa kagaling ang isang tao, tulad ng halimbawa, ang mga inspirasyon natin, may mga kahinaan pa rin sila. 

Pero… iba pala ang Diyos, ito ang deskripsyon ng mga buhay na nilalang sa Kanya: 

Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang PANGINOONG Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.” (Isaias 6:3 ASND)

Alam mo ba na ang isa sa kahulugan ng salitang banal na lagi nating naririnig sa simbahan ay ganito pala intindihin, na ang Panginoon ay “walang katulad”? Siya pala ang totoong walang katulad. 

Subukan nga natin na intindihin ito, Kaibigan. Sa anong paraan kaya walang katulad ang Diyos? 

Sa pagmamahal, may katulad ba ang Diyos? Wala, nakasulat sa Bibliya: “Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. (Salmo 103:11 ASND)”

Sa pagiging tapat sa mga pangako, may katulad ba ang Panginoon? “Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman –(Salmo 105:8 ASND)” At ito pa: “Ang Dios ng Israel ay hindi nagsisinungaling at hindi tulad ng tao na pabago-bago ng isip. (1 Samuel 15:29 ASND)”

Sa pagiging tapat, may katulad ba ang Panginoon? “Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili. (2 Timoteo 2:13 ASND)”

Nakakatuwa palang isipin ano? Mabuti na lang at hindi katulad ng tao ang Diyos, kaya maaari tayong magtiwala sa Kanya. 

Kaibigan, isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.