Kumusta ba ang iyong pananalapi?💸

Kaibigan, ngayong bagong taon, kumusta ba ang pinansyal mo? Kung may natanggap kang bonus ngayong Pasko, kontento ka ba kung saan ito napunta? Sa kabilang banda, baka nahihirapan kang pagkasyahin ang pera mo bawat buwan.
Sa aming mag-asawa, may mga pagkakataon na nakakatanggap kami ng biyayang pinansyal, at may mga buwan din na mahirap pagkasyahin ang perang nakalaan. At aaminin namin na nagiging sanhi din ito ng hindi pagkakaunawaan kapag may usapin sa pera.
Sa mga ganitong paghihirap, maaaring maghanap tayo ng solusyon, tulad ng gumawa o kumuha ng ibang trabaho para mas kumita pa, o maghanap ng kung anu-anong pinagkakagastusan na pwedeng bawasan. Pero, may tukso ding magalit sa sitwasyon o sa Diyos, kung bakit Niya tayo pinabayaan sa ganitong kalagayan.
Alam mo ba hindi nagbubulag-bulagan ang Diyos sa mga pinansyal na paghihirap natin? Ito pala ang nakasulat sa Bibliya tungkol sa paghawak natin ng pera:
Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? (Lucas 16:11 ASND)
Nakikita mo ba, Kaibigan? Pinagmamasdan pala ng Diyos kung paano natin hinahawakan ang pera. May tunay na kayamanan pala Siyang gustong ipagkatiwala sa atin. At ito pa:
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” (Hebreo 13:5 ASND)
Ang isang dahilan pala kung paano tayo magiging kontento sa anumang nasa atin ay ang kaalaman na hinding-hindi tayo iiwan o pababayaan ng Panginoon.
Sana makakatulong ito sa iyo ngayong bagong taon, Kaibigan.Sa mga katotohanang ito, maaari ka nang magsulat ng iyong mga layunin para sa iyong pananalapi ngayong taon. At alam mong magiging kasama mo ang Panginoon sa layunin mong ito
Kaibigan, isa kang himala!

