• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 15, 2024

Kelangan mo bang may magtanggol🥷sa iyo?

Publication date Nob 15, 2024

Kaibigan, may mga nangyari ba sa buhay mo na pakiramdam mo wala kang kakampi? Maaaring mangyari ito sa mga di pagkakaunawaan sa mga relasyon tulad ng sa trabaho, paaralan, o sa pamilya, na parang hindi ka naiintindihan. 

Para sa akin, naalala ko ang isang pagkakataon na may pinagdaanan kami sa pamilya. May mga isyu kami, hindi sa buhay mag-asawa namin pero sa pansarili. Sa mga panahong iyon, dahil nga sa personal na emosyonal na kaguluhan namin, medyo maikli ang pasensya namin sa isa’t-isa.  May isang sitwasyon kung saan pakiramdam ko hindi ako naintindihan ni Mark, at nahirapan akong huwag ipagtanggol ang sarili ko, Pero pinili kong hindi gawin iyon, para hindi na lalong tumaas ang emosyon namin pareho. 

Naalala ko na nakatulong sa akin sa oras na iyon ang kwento ni David. 

Sa Bibliya, isang batang pastol si David na pinili ni Lord na maging bagong hari na papalit kay Haring Saul, ang hari ng Israel. Kahit na wala namang plano si David na lampasan si Saul, naging mapanghinala si Saul at gustong patayin si David, kaya kinailangan ni David tumakas. Sa buong kwento, ilang beses nagkaroon ng pagkakataon si David na patayin si King Saul, pero pinili niyang huwag maghiganti, dahil alam nyang ang Panginoon ang kanyang Tagapagtanggol. (1 Samuel 16 ASND)

Kaibigan, makakaugnay ka ba sa mga ito? May pakiramdam ka ba ngayon na parang maraming laban sa iyo at kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo? May mabuting balita ako sa iyo. Ang Panginoon mismo ang gustong maging Tagapagtanggol mo. Siya ang nakakakita sa lahat ng nangyayari, at alam Nya kung ano ang tama. 

Pwede nating ibigay sa Kanya lahat ng gumugulo sa atin. Simpleng dasal lang, “Panginoon, kailangan ko ng tulong mo sa ________. Ikaw ang aking Tagapagtanggol, kaya hindi ko kailangang ipaglaban ang karapatan ko.” 

Sana nakapanghikayat ito sa iyo, Kaibigan. Isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.