• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 17, 2024

Kailangan mo ba ng tagapagtubos?😎

Publication date Nob 17, 2024

May mga karanasan ka ba kung saan may pagkakamali kang nagawa at wala kang maisip na paraan para baguhin ang lahat? O baka naman wala ka namang nagawang masama, pero ang mga pangyayari lang sa buhay ang mahirap, na parang wala ka ring pwedeng labasan? Napakahirap ng ganoong sitwasyon, hindi ba? 

May mabuting balita ako sa ‘yo, Kaibigan. Isa din pala sa mga pangalan ng Panginoon ay isa Syang Tagapagtubos. Anong ibig sabihin nito? Isang kahulugan ng salitang “tubusin” ay ang pagbili ng isang bagay, gaya ng kuwentong ito:

Sa Bibiya, may isang babaeng dayuhan na nagngangalang Ruth ang naging asawa ng isang taga-Israel na si Mahlon. Maagang namatay si Mahlon. Sa Israel pala sa panahong iyon, kapag namatay ang padre de pamilya, kawawa ang asawa dahil bawal magtrabaho ang mga babae noon. Magiging parang pulubi na itong biyuda ng namatay. Kahit na may ari-arian si Mahlon, hindi ito pwedeng mapunta kay Ruth; kailangang may “tagapagtubos” na bibili nito at kasama dito ay magiging asawa nitong “tumubos” ang biyuda ng namatay. (Tingnan ang Ruth.) 

Sa kwentong ito, may mayamang si Boaz na nakapansin kay Ruth habang kumukuha siya ng nahuhulog na mga barley (parang palay ito sa lugar nila.) Pinili ni Boaz na tubusin si Ruth at naging asawa nya ito. Dahil dito, umahon si Ruth sa kahirapan, at naging ninuno pa sila ni Jesus sa maraming henerasyon mula noon.

Kaibigan, alam mo bang tinubos ka na rin ni Jesus? Nung namatay Sya sa krus, ang nangyari ay parang ‘binili’ at pinalaya ka nya sa kasalanan at kamatayan. 

Basahin nga natin aloud itong Bible verse na ito: 

Ang mga kasalanan moΚΌy parang ulap o ambon na pinaglaho ko na. Manumbalik ka sa akin para mailigtas kita. (Isaias 44:22 ASND.) 

Nakikita mo, Kaibigan? Isa kang himala!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.