Kailangan mo ba ng isang tao na lubos na nakakakilala sa iyo?🧐

Ano ba ang laging nangyayari sa muling pagsasama-sama ng pamilya? Kadalasan, may mga nagtatawanan sa pamilya tungkol sa mga nakaraang pangyayari. Ang mga magulang, tiyahin o tiyuhin natin, may mga kuwento sila noong bata pa sila, na sila-sila din lang naman ang nakakaalam. Tayo din, may mga karanasan kasama ang mga kapatid at mga pinsan natin, na nakakatuwang alalahanin.
Syempre, hindi ibig sabihin nito na laging malapit sa isa’t-isa ang magkakapatid. Minsan, nagkaroon kami ng pinakamalapit kong kapatid ng di pagkakasunduan. Naramdaman ko yung “pagkawala” ng isang tao na sa tingin ko ay nakakakilala sa akin ng buong-buo, kahit sa totoo, alam kong mas kilala ako ng asawa ko at mga malalapit na kaibigan namin.
Nakasulat pala sa Bibliya na si Jesus ay “kapatid” natin:
Si Jesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya. (Hebreo 2:11 ASND)
Sa pagsasalarawan ni Jesus na “kapatid” Nya tayo, napahalagahan ko tuloy ang lawaran ng magkakapatid: di ba ang pamilya pala ay isang relasyon kung saan tayo ay nasasanay na tumanggap ng mga kalakasan at kahinaan ng isa’t-isa? Totoo, hindi ito laging nangyayari. Pero kapag inisip natin si Jesus bilang kapatid, maaari kayang larawan ito na ang lahat ng pinagdadaanan natin, mula pagkabata hanggang ngayon, nakikita Nya at alam Nya?
Kaibigan, may mga pinagdadaanan ka bang tingin mo walang nakakakita? Kapatid mo si Jesus; nakikita Nya ang lahat ng nangyayari sa iyo, at may malasakit Sya!
Ito ang hamon ko sa iyo ngayon: gumawa ng isang sulat kay Jesus tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa iyo. Pagkatapos, itago ang sulat sa isang pribadong lugar. O kung gusto mo, pwede ring sunugin ito, tutal alam mo nang nabasa na ito ni Jesus.
Kaibigan, isa kang himala!

