Kailangan mo ba ng himala?🤩

May pinagdadaanan ka ba ngayon na tingin mo wala ng solusyon? Yun bang tipong wala na talagang lunas sa problema at tapos na ang lahat?
Mahirap mawalan ng pag-asa. Alam mo bang ganito din ang pakiramdam ng maraming taong nakatagpo kay Jesus noong naglalakad Sya sa mundo? Maraming may mga sakit na hindi kayang gamutin ng mga doktor; may mga namatay na nag-iwan ng sawing pamilya, na naiintindihan namang nakakaramdam ng kawalang pag-asang maging masaya muli.
May magandang scene akong napanood sa The Chosen, Season 3 Episode 5. Sa kabanata na ito, nagmamadali si Jairus na hanapin si Jesus dahil may sakit ang kanyang pinakamamahal na anak. Pero hindi sila umabot; habang kasama pa nya si Jesus, may dumating na nagsabi na namatay na ang anak nya.
Maiisip mo ba ang reaksyon ng tatay sa balitang ito? Ginawa mo na nga ang lahat, mapapasayang ka lang. Nahanap mo nga si Jesus, eh, huli naman na! Wala na ang lahat, dahil patay na siya.
(Pero alam mo, nadala ako dahil sa sobrang awa sa mukha ni Jesus sa nakita Nyang sakit na nararamdaman ni Jairus. Hindi pala manhid ang Diyos natin; Sya man ay natutuwa at nakakaramdam din ng sakit!)
Pagkatapos, sumama Sya sa bahay at sinabing hindi daw patay ang bata, kundi tulog lang. Pinagtawanan Sya ng lahat ng nandoon. Syempre, kung ikaw kaya iyon, maniniwala ka bang may magagawa pa Sya? Pero pinaalis Nya ang lahat, parang hindi nga maiintindihan ang ginagawa Nya. At ayun! Nabuhay ulit ang bata!
(Panoorin natin ang video dito: The Chosen S3 - E5: Malinis, Bahagi 2, mula 40:34-45:00)
Kaibigan, nakikita mo ba? Si God ay isang tagagawa ng himala. Ang akala nating wala ng solusyon, kaya Nyang baguhin.
Kaibigan, isa kang himala!

