• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 4, 2025

Ikaw, mahal mo rin ba ang Diyos?🤔

Publication date Peb 4, 2025

Matapos nating pag-usapan ang pagmamahal ng Panginoon para sa atin, ngayon naman ay pag-usapan natin ang pagmamahal natin sa Diyos. 

Kaibigan, masasabi mo bang mahal mo ang Diyos? Dahil dito tayo sa isang Kristyanong komunidad, malamang pamilyar ka sa Sampung Utos.  Pero alam mo ba ano ang pinaka-unang kautusan ayon kay Jesus? 

Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.” (Mateo 22:37-40 ASND)

Ayun. Ang pinaka-importanteng utos daw ay mahalin natin ang Panginoon nang buong-buo. Pero, paano ito mangyayari? 

May mabuting balita kami sa iyo, Kaibigan. Alam mo ba na ang anumang pagmamahal na nararamdaman natin sa Panginoon ay nagmula sa Kanya? Sinasabi sa Bibliya, “Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.” (1 Juan 4:19). 

Ibig sabihin nito, regalo Niya din sa atin ang pagmamahal natin sa Kanya. At higit pa roon, tuwing tinatangkilik natin ang presensya ng Diyos, mas higit Siyang natutuwa sa atin. Tuwing nararamdaman natin ang ating puso na umaagos ng pagmamahal at pagsamba sa Kanya, ito’y ang parehong alab ng damdamin na Siya mismo ang nagbigay at naglagay sa atin. At kapag umaawit tayo para sa Kanya, isang maliit na bahagi lamang ito ng awit na umaabot mula sa Kanyang puso patungo sa atin!

Kaibigan, tumigil tayo ng 5 minuto at magpasalamat sa Panginoon dahil sa pagmamahal Niya sa puso natin. At tandaan mo, Kaibigan, isa kang himala! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.