Humahadlang ba sa Panginoon ang kasalanan mo? ðŸ˜

Naranasan mo na ba ang pakiramdam na “pamilyar” ka na sa Diyos, ngunit nahihirapan ka pa ring maniwala sa mga katotohanang sinasabi Niya tungkol sa iyo? Siguro, paulit-ulit mo nang naririnig na mahal ka ng Diyos, maganda ka sa Kanyang mga mata, at iba pang mga “magagandang balita” na mga bagay. Pero ngayon na nagkamali ka, tila parang nauurong ang mga salitang iyon, at nagiging mga walang saysay na gasgas na ideya na lang.
Alam mo ba kung ano ang gusto ng kaaway? Gusto niyang lokohin ka at magsimulang pagdudahan ang mga bagay na paulit-ulit na itinuro sa iyo ng Diyos. Kapag maganda ang takbo ng buhay mo, madaling paniwalaan ang mga katotohanan ng iyong kahalagahan sa Diyos. Pero kapag nagkamali ka, parang ang bigat ng pagkatalo mo ay lalong nagpapabigat sa mga katotohanang iyon.
Pero ano ang sinasabi ng Diyos tungkol dito? Basahin natin ang nakasulat sa Bibliya:
Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng Panginoon. Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon, at walang pandaraya sa kanyang puso. (Salmo 32:1, 2 ASND)
Kaibigan, tingnan natin ang krus. Pakiramdam mo ba’y biro lang nang sinabi Niya na ginawa ka Niyang perpekto, anuman ang mangyari? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng bawat hakbang Niya patungong krus, pagdadaanan ang pinakamasakit na pagpapahirap ng mundo?
Ang ibig Niyang sabihin ay: "Seryoso Ako sa relasyon ko sa'yo. Ibig kong sabihin na wala kang dungis sa Akin, dahil ang pag-aalay Ko ng Anak Ko, ang Kanyang mahalagang dugo, ang nagbabayad para doon.”
Wow, hindi ba’t magandang balita ito?
Kaibigan, isa kang himala!

